He went back to Manila. Medyo naging boring sa bahay noong nawala si Hiro. Kapag rest day ko ay lagi ko sya niyayaya kumain sa labas. Dahil malayo sya, nagpupunta na lamang ako sa mga kababata ko sa aming kalapit baranggay.
Mayroon akong limang super friends. Kasama ko sila mula pagkabata. Magkaka-klase kasi kami mula elementary hanggang high school. Nakakatawa isipin kasi sa barkadahan namin ay walang straight. Lahat kami puro bi.
Nandyan si Bea, ang pasimuno ng lahat ng kalokohan. Ang "Tomboy no.1"
Si Yel, ang astig na tomboy. Ang "Tomboy no.2"
Si Bon, ang bestfriend ng lahat. Ang "BoomBadeng no.1"
Si Cams, ang indiana jones ng barkada. Siya yung tipong drawing sa usapan. Ang "Tomboy no.3"
Si Jay, ang tunay na bakla. Siya yung nagdadamit babae na talaga o mas tinatawag na cross dresser. Ang "BoomBadeng no.2"
Si Riza, ang pinaka makulit na tomboy sa lahat. Ang "Tomboy no.4"
At syempre ako, si Ram. Ang pinaka maganda este pinaka pogi sa lahat sa aming magbabarkada. Ako din ang may pinaka-malakas ang trip sa lahat.
Discreet kaming barkadahan maliban kay Jay na cross dresser. Totoo kami sa isa't isa kapag magkakasama. Yung tipong mga baklang bakla kami lahat at walang pakialam sa sasabihin ng iba. Kami yung barkadahan na siksik sa kalokohan. KAPATIDS YAN EH.
Ako: "MGA BAKLAAAAAAAAAAAAAAA!" sigaw ko na dahil sa sobrang pagka-miss.
Sabay sabay silang tumayo at nagsipag-yakapan sa akin. "Kamusta ka na? Grabe ha. Buti naman at napadalaw ka? Nasaan si Hiro?"
Ako: " Saglit lang ha. Pwede maupo muna tayo. Pakainin nyo naman ako. Wala ba kayo dyan malalamon?"
Bon: "Bakla ka. Ikaw dyan ang may trabaho tapos kami ang hahanapan mo ng pagkain. Nasaan ang hustisya!" sabi nya habang ginagaya nya si Nora Aunor.
Ako: "Grabe ha. Wala pa din asenso hanggang ngayon. Purita pa din."
Bea: "Oh anong himala at napadalaw ka?"
Ako: "Syempre namimiss ko na kayo. Tsaka wala si Hiro nasa Manila kaya...TODO NA TOOOO!"
Yel: "Oh anong ganap natin ngayon? Magpainom ka naman Ram!" na tila ba dinedemonyo nila ako maglabas ng pera.
Ako: "Nganga tayo. Ay ako talaga? Patak patak tayo, ano milyonaryo ang nanay ko sa Davao?"
Jay: "Sige sagot ko na kwento at pagtawa nyo."
Ako: "Grabe wala talagang pagbabago. Daot ka pa din. Hahaha."sabay hila ko ng mahaba nyang buhok.
Cams: "Sige go ako. Babalik ako mamaya. May pupuntahan lang kami ni Lola."
Ako: "Isa ka pa. Di ka pa din nagbabago. Malamang sa alamang hindi na naman yan babalik."
Riza: "Syempre. Indiana jones nga di ba. Hahaha."
Sobra kong namiss ang barkada kaya wala lang sa akin kung maglalabas ako ng pera. Hindi din naman ako gipit kaya ok lang. At natuloy nga ang walang kwenta naming plano na maginom. Sinusubukan so tawagan si Hiro pero hindi nya sinasagot. Inisip ko na lamang na busy ito.
Maga-ala una na ng madaling araw ng matapos ang inuman. Matik na, na kapag magkakasama kami ay walang uwian. Kung saan kami naginom ay doon na din kami makikitulog. Bahala na kami kung paanong pwesto ng pagtulog ang gagawin namin.
Kinaumagahan pagka-gising namin ay wala na si Jay at Cams. Hinagilap ko kaagad ang cellphone ko para tawagan si Hiro pero unattended na ito. Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya?
BINABASA MO ANG
FOREVER and EEVO
RomanceFOREVER? Ay sauce! Does forever truly exists? Meron nga ba talaga nito? Paano kapag nakita mo na si FOREVER? Anong gagawin mo? Paano kung sa umpisa pa lamang ay hindi na naging maayos ang lahat? Ipaglalaban mo ba sya o susuko ka na lamang?