Lumipas ang oras at out na ako. Habang nagbibihis ako ay naisip ko na may naghihintay nga pala sa akin. Pagkatapos ko magbihis ay dumiretso nako sa counter para magpa-check ng bag kay Mam Erna.
Ako: "Mam pa-check po ng bag."sabay bigay ko ng aking notebook at bag sa kanya.
Mam Erna: "Ano ok ka lang ba? Pagusapan nyo ng mabuti ha. Magingat ka."
Ako: "Ok po Mam. Salamat po." nakangiti kong sabi sa kanya.
Bago ako tuluyang lumabas ng store ay nag-cr muna ako. Nagpulbo, nagpabango at nagisip kung anong magandang gawin. Sunday nga pala kaya naisipan ko magsimba. Lumabas na ako ng cr at nagdiretso na palabas ng store.
Paglabas ko ay biglang may sumabay sa akin ng paglalakad. Si Van. Nagsimula na syang kulitin ako pero hindi ko sya pinapansin dahil sa ginawa nya sa akin.
Van: "Baby lets talk. Im sorry sa nagawa ko kanina. Desperado na talaga akong kausapin ka."nagmama-kaawang nyang sabi sa akin.
Ako: "Sige pero lets attend the mass first then we can talk. Baka kung anong ispirito na ang sumasanib sayo kaya ka ganyan."pagmamataray kong sabi sa kanya.
Sumakay kami ng jeep at ngapunta na ng siimbahan. Makalipas ang isang oras ay natapos ang misa. Hindi na talaga sya nagpaawat at hinigit nya ako sa plaza. Madaming tao kaya pinagtitiginan kami.
Ako: "Van ano ba! Nasasaktan ako. Bitiwan moko!" pilit kong tinatanggal ang kamay nya mula sa mahigpit na pagkaka-kapit sa aking braso.
Van: "Im sorry baby. Kelangan ko to gawin."
Hanggang sa makarating kami sa bandang sulok na plaza. Kita pa din kami ng mga tao kaya lalo akong nahiya sa eksenang ginawa ni Van.
Ako: "Van ano ba! Lalo mong pinapatunayan sakin na dapat na kitang hiwalayan!" sigaw ko sa kanya.
Van: "Baby please wag moko iwan. Im sorry." nagmamakaawang sabi nya sa akin habang umiiyak.
Lumuhod sya sa harap ko na ikinagulat ko ng sobra.
Van: "Baby please wag mo ako iwan. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa buhay ko."
Ako: "Van please tumayo ka dyan. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh!"
Van: "Wala akong pakialam sa kanila! Just don't leave me baby, please!"
Patuloy pa din sya sa pagpapakaawa sa akin. Wala akong magawa dahil mas malaki at mas malakas sya sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko, kung patatawarin ko ba sya oh hihiwalayan ko na ng tuluyan. To tell the truth ayoko na dahil baka kapag nagtagal pa kami ay baka hindi lang pagkaladkad ang gawin nya sa akin.
Hinubad ko ang singsing na bigay nya sa akin noong monthsary namin.
Ako: "Im sorry pero ayoko na. Natakot na ako. Baka hindi lang ito ang magawa mo sa akin pag nagtagal pa tayo. Im really sorry." sabay bigay ko ng singsing sa kanya.
Inabot nya ang singsing at pilit nitong isinusuot sa aking daliri. "Baby please. Wag mo to gawin sakin. Magbabagi na ako. I promise." sabay yakap nya sa aking binti habang nakaluhod pa din.
Lalo kaming pinagtinginan ng mga tao sa plaza. Hindi ko alam pero hindi ako nakakaramdam ng awa ng mga sandaling iyon para sa kanya. Siguro ay na-traumatized talaga ako sa ginawa nya sa akin.
Pinilit ko syang tinanggal mula sa mahigpit na pagkakayakap sa aking binti nat sinubukan kong magwalk-out pero na-corner nya ako.
Ako: "Van please." nagsimula na akong umiyak.
Van: "Baby wag mo ako iwan. Hindi na to mauulit. I promise."
Ayaw nya talaga ako pakawalan kaya naisipan kong suntukin ang bakal instead na sya. Ayoko makasakit ng tao kaya kung maaari ay sa mga bagay ko na lamang sa aking paligid ibinubuhos ang aking galit.
Van: "Baby ano bang ginagawa mo! Tsk." sabi nya sa akin na tila nagulat sa aking ginawa.
Ako: "Gusto ko na umuwi. Wag mong intayin na may tumulo pang dugo mula sa kamay ko. Kaya please lang. Pakawalan mo na ako."pagmamatigas kong sabi sa kanya.
Bigla syang napaupo at tumahimik. Mukhang natauhan sya sa ginawa ko. Noon na ako nakaramdam ng awa sa kanya. Inabot ko lamang ang singsing at umalis na ako ng tuluyan. Hindi na nya ako hinabol pa.
Sa totoo lang ay hindi ko ikinaganda ang pangyayari na iyon. Naawa din naman ako sa kanya kahit paano. To tell the truth siguro kung hindi nya ginawa yun sa akin ay baka napagusapan pa namin ng maayos ang aming problema, pero wala. Siguro ay natakot na lang talaga ako sa ginawa nya kaya nagdesisyon na din talaga ako makipaghiwalay sa kanya. Sino ba naman may gusto ng partner na nananakit di ba. In short, hindi sya si FOREVER.
BINABASA MO ANG
FOREVER and EEVO
RomanceFOREVER? Ay sauce! Does forever truly exists? Meron nga ba talaga nito? Paano kapag nakita mo na si FOREVER? Anong gagawin mo? Paano kung sa umpisa pa lamang ay hindi na naging maayos ang lahat? Ipaglalaban mo ba sya o susuko ka na lamang?