Sa totoo lang, si Hiro ang pinakaminahal ko sa lahat ng aking mga naging partner. Sya lang ang naging partner ko na ipinakilala ko sa aking buong pamilya. Sa katunayan ay nagsama kami sa bahay ng mahigit isang taon. Maraming pangarap ang nabuo, mga masasaya at malulungkot na alaala ang nabalewala simula ng iwanan nya ako. Gumuho ang mundo ko noong iniwan nya ako. Ito ang pinakamasakit na nangyare sa buhay pagibig ko. I went through hell. Pero paano nga ba nagsimula ang impyerno na ito.
Kakauwi ko lamang noon galing school ng maabutan ko si Hiro na nanonood ng movie sa kwarto.
Hiro: "Hon can we talk?"
Ako: "What is it Hon?"
Hiro: "Gusto ko sana umuwi kila Mommy sa Manila. Doon muna ako."
Nagulat ako sa sinabi nya. "Bakit hon? May problema ba?"
Hiro: "Wala naman. Namimiss ko lang sila Mommy. Ang tagal ko na din hindi umuuwi ng Manila."
Ako: "Oh sige. Basta susulat ka pagdating mo ng Japan ha?" biro ko sa kanya.
Hiro: "Oo naman. Salamat hon!" sabay halik nya sa akin.
Ako: "Oh magpaalam ka muna kila Mama ah. Kelan mo ba balak umuwi?"
Hiro: "Sa makalawa sana hon."
Ako: "Oh sige. Sabihan ko na din sila Mama."
Naputol ang paguusap namin na iyon ng bigla akong tawagin ni Mama. Pumayag ako sa gusto nya. Ayako naman ilayo sya sa pamilya nya. Parang napakasama ko naman kung ganoon ang gagawin ko. Hindi ko alam na iyon na pala ang magiging mitsa ng aming paghihiwalay.
Lumipas ang isang buwan at bumalik sya sa bahay para bumisita.
Hiro: "Hi Hon!" sabay yakap sa akin ng mahigipit. "Sobra kitang namiss. Oh eto may pasalubong ako para sayo. Sina Mama?"
Laking gulat ko sa biglaan nyang pagdating, "Oh Hon?" Bakit di ka man lang nagsabi na uuwi ka. Eh di sana umarkila ako ng banda at mosiko. Hahaha." biro ko sa kanya sabay yakap.
Hiro: "Surprise nga diba. Namiss mo ko?"habang patuloy syang nakayakap sa akin.
Ako: "Hindi kita namiss noh! Sabihin mo muna perfect!" lagi ko iyon pinapa-bigkas sa kanya kase bulol sya sa P at F na akin naman ikinatutuwa.
Hiro: "Hon naman. ferfect!"
Ako: "Ikaw nga ang asawa ko. Hahaha."sabay halik na para bang wala ng bukas.
Dumaan ang isang linggo at bumalik na ulit si Hiro sa Manila at dito na nagsimula ang pagkakalabuan ng aming relasyon.
BINABASA MO ANG
FOREVER and EEVO
RomanceFOREVER? Ay sauce! Does forever truly exists? Meron nga ba talaga nito? Paano kapag nakita mo na si FOREVER? Anong gagawin mo? Paano kung sa umpisa pa lamang ay hindi na naging maayos ang lahat? Ipaglalaban mo ba sya o susuko ka na lamang?