3rd Year College na si Water

19 0 0
                                    

OW EM GEEEEE! Konting kembot na lang at magtatapos na ko sa kolehiyo. Natapos ang qualifying exam at nakapasa ako. Marketing management ang kinuha kong major for some reasons. (basta yun na yun, secret muna!) Parang ek ek latik lang naman yung qualifying exam na yun, parang formality lang kase lahat kami nakapasa at kung anong major yung napili namin ay yun na yun.

3rd year, first sem. Kinalimutan ko muna ang mga sakit sa puso nararamdaman ko kase kailangan kong magfocus. Sabe nga nila third year ang pinakamahirap na stage sa pagaaral. Ewan ko nga ba kung bakit?

Working student pa din ako sa isang fast food pero sa ibang tindahan na. Hindi ako kailangan tumigil sa pagtatrabaho dahil doon ko kinukuha ang baon ko sa araw araw. Sobrang hirap man pagsabayin ang aral at ang trabaho pero kinakaya.

1st day of class of being a Marketing major.

Ms. Batobalani: "Good morning!" at binati din namin sya pabalik.

Si Ms. Batobalani ang marketing teacher namin which is adviser namin. Wala naman kaming choice kase sya lang naman ang teacher na nagtuturo ng mga marketing subjects sa department namin.

She  set our expectations kung anong  mga mangyayare sa amin for the following semesters. 

Ms. Batobalani: "For this semester, kokonti kontiin natin yung paggagawa nyo ng thesis as per last sem I have gave you background on how to do one. Also, be ready kase sa stage na to ng college nagkakaroon ng mga magbabarkada na nagkaka-away away. "

Mira: " Bakit naman po?"

Ms. Batobalani: "For example, may isang member na hindi nakiki- cooperate husto lang sa ambag but the physical work or the team effort to do the thesis is missing. Kaya pagdating ng defense nganga si beshie. Magastos ito kase you need to consult a gramarian, you have to go to a CPA, you have to really brainstorm on what will be the best feasible product you can ever imagine. Right?"

Natapos ang klase at dumiretso na ako sa trabaho.

"Closing".  Ang pinakamahirap na shift kapag nagtrabaho ka sa isang fastfood tapos sasabayan pa ng delivery. Parang gusto ko nalang maging hotdog sa pridyider.

8:45PM at wala na masyadong tao na pumapasok sa store. Nagsimula na ako maglinis linis sa area na walang kumakain. 

Enjoy pa din naman sa closing kahit nakakapagod lalo na pagkasama ko si Allen at Dina. Ang mga beshy kong tunay. Hindi mawawala ang bardagulan kapag sila ang kasama ko. Nandyan yung i-sprayan ka ng glass cleaner sa muka tapos papakainin ka ng fries na nahulog na sa sahig at ang pinaka masayang part ay yung basaan. Kala mo laging pyesta ng Sto. Nino. Yung tipong uuwi ng basa ang buong pagkatao mo. 

Uwian na at nagkayayaan mag inom saglit. Sumama ako kahit napaka aga ng pasok ko kinabukasan. Labang lang para sa kasiyahan. 





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FOREVER and EEVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon