Throwback Hurtsday

55 2 0
                                    

Throwback muna tayo ng konti. First year college ako, first semester ng simula akong makaroon ng partner na lalaki. (Hindi ako malandi. Pogi lang talaga.) Nakilala ko sya sa pinagtatrabahuhan kong fast food chain. Matangkad sya, pang-model ang height at gwapo. Hindi ko akalain na iisa lang din kami ng pinapasukang school. Niligawan nya ako hanggang sa sinagot ko siya at naging kami. Masaya sa una, pero ganun naman daw talaga pagdating sa pagibig. Hindi rin kami nagtagal at nagkahiwalay din kami. Nagtagal din kami ng tatlong buwan. In short, hindi sya si FOREVER.

Yung pangalawa ko naman na partner ay taga ibang University. Second year ako, first sem noon. Nakilala ko naman sya noon sa pinagtatrabahuhan ko din na fast food. Hindi ko sya katrabaho. Isa syang regular customer. Niligawan nya ako. Hanggang sa sinagot ko sya. To tell the truth hindi sya gwapo tulad ng nauna kong partner. Hindi ko alam pero masaya ako kapag kasama ko siya. Hindi din kami nagtagal. Naghiwalay kami sa dahilang sinaktan nya ako physically. Syempre sino ba naman ang gustong sinasaktan physically diba. Kaya nagdesisyon ako na hiwalayan sya. I-throwback natin ng konti ang eksena kung paano ko sya hiniwalayan.

FOREVER and EEVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon