Hi Readers, as i promised here is the chapter 12 of my first wattpad story. Enjoy :)
Joshua’s POV
Nagising ako mula sa mahabang pagkakatulog. Katulad ng naramdaman ko nung una akong nagising ay ganoon parin. Masakit na katawan, masakit na ulo pero mas bumuti ng kaunti kesa kanina. Minulat ko ang aking mga mata at may naaninag akong liwanag mula sa ginawang apoy.
Pinilit kong umupo at mas luminaw na ang aking paningin. Madilim ang paligid. Tanging hampas lamang ng tubig mula sa dagat ang iyong maririnig, mga kuliglig mula sa gubat sa aking likod. Unti unti kong inalala ang mga nangyari.
FLASH BACK
“Micah! Huwag kang bibitaw sa akin” sigaw ko kay Micah.
Pabilis ng pabilis ang pagbulusok ng eroplano pababa. Biglang nawalan ng kuryente at unti unting uminit ang loob ng eroplano ito rin ang dahilan upang mabawasan ang oxygen sa loob.
“Josh, mamamatay na tayo!” tanging nasabi ni Micah habang hawak ang aking kamay.
“Hindi, magiwala ka sa akin” sabi ko sa kanya at tanging tango lang ang nagging sagot nya.
Nakita kong namumutla na sya. Malalim na ang kanyang bawat hinga
“Josh,...” huling salita na nasabi ni Micah at unti unti ipinikit ang kanyang mata.
Alam kong hirap na syang huminga. Hindi ko papayagang mawala ka. Lalo na ngayon. Mabilis kong inilapit ang aking labi sa labi ni Micah, nagsalo kami sa iisang hangin. Nakita kong minulat muli niya ang kantang mata.
END OF FLASH BACK
“Josh!!” biglang naputol ang aking pag aalala dahil sa isang tining mula sa aking likuran
“Okay ka na ba? Mabuti at gising kana” sabi ni Micah na may dalang prutas pero ang napansin ko ay ang benda sa kanyang kaliwang paa.
“Okay lang ako, ikaw?” tanong ko sa kanya
“Okay lang” umupo sa tabi ko
Ang layo ng tingin nya at may napansin akong luha sa tabi ng kanyang mga mata.
“dude, salamat ha..” sabi nya
“kung hindi dahil sayo siguro patay na ako” pagpapatuloy nya.
“wala yun, kahit naman sino gagawing iligtas ang kahit sino” sagot ko sa kanya.
“bakit mo pala ginawa yun?” tanong nyang muli.
“ang alin?” balik kong tanong sa kanya.
“yung ginawa mo sa eroplano” paalala nya sa akin
Napalunok akong bigla. Kakaalala ko lang kanina, ang ginawa kong paghalik sa kanya.
“Micah, kung ako ba yung nasa sitwasyon mo, gagawin mo rin ba kung anong ginawa ko sayo?” tanong ko sa kanya
Nagkaroon ng maikling katahimikan.
“oo” maikling sagot ni Micah.
Bumilis bigla ang tibok ng aking puso. Napalingon ako sa kanya at sya ay nakatingin narin sa akin. Nagkatitigan kami.
Micah’s POV
Nagulat ako sa tanong sa akin ni Joshua. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. At bago ako sumagot ay lumingon ako sa kanya.
“ano bang meron ka? Lalaki ako pero bakit ganito ang pakiramdam ko para sayo” tanong ko sa sarili ko.
“oo” Maikli kong sagot sa kanyang tanong.
Nagulat ako ng bigla syang lumingon sa akin. Napako ang aming mga mata sa isa’t isa. Lumapit sa akin si Josh, unti-unting lumapit ang kanyang mukha at naramdaman kong muli ang kanyang labi sa ikalawang pagkakataon.
“teka..” nasabi ko ng bumitiw ako sa pagkakahalik nya pero bigla nya akong inihiga sa buhanginan at inilapat muli ang kanyang labi sa akin. Naramdaman ko ang init ng kanyang katawan, ang init ng kanyang balat sa akin.
Naramdaman kong pilit nyang ibinubika ang nakasara kong ipin ng kanyang dila. Unti unti akong nagpaubaya sa kanyang paghalik. Naging maalab ang halik na iyon.
Naging malikot ang aking mga kamay. Humaplos sa kanyang braso hanggang makarating sa kanyang mga dibdib.
“ahhh”. Tunog na mula kay Josh sa pansamantalang pagbitaw ng kanyang labi sa akin.
Unti-unting bumaba kanyang paghalik sa akin ni Josh. Mula sa lower lip papuntang chin hanggang sa aking leeg. Napasinghap ako ng simula nyang saklobin sa pamamagitan ng kanyang bibig ang dibdib.
SFX: kaluskos mula sa gubat
Naputol ang mainit na eksena sa amin ni Josh ng may marinig kaming kaluskos mula sa loob ng gubat. Nagkatinginan kami saglit at agad na tumayo at lumayo sa akin si Josh. Napaupo naman ako buti nalamang at madili na. Hindi mapapansin ang pamumula ng aking mukha.
Kumuha ako ng isang sanga
“sinong anjan?!!” sigaw ko na nakaharap sa gubat at pinapakiramdaman ang paligid.
Biglang may nagtakip ng aking bibig at hinili ako papunta sa tabi ng puno
“Mic, umakyat ka sa taas ng puno” utos sa aking ni Josh na agad ko naming sinunod.
Nagmatyag kaming dalawa ngunit dahil sa pagod ay nakatulog ako.