Good day Readers!!! Sa mga nag like po, thank you so much. Sa mga Comments, nakakata ng puso. Abangan nyo po ang nalalapit na pagtatapos ng story. Ano kaya ang mangyayari sa kanila? Keep on reading and please keep on voting:) paki share narin po sa iba.
FB: gideon.dia1@gmail.com
Twitter: giddy28
Setting: Sa Yate ng coast guard
Mrs. Millers POV:
Naniniwala akong buhay ang nag iisa kong kayamanan, ang aking anak. Hintayin mo ako Micah anak ko.
“ma’am, malapit na po tayo sa island” sabi ng officer
Setting: Unknown Island
Joshua’s POV:
Nauna akong magising kay Micah. Napaka saya sa pakiramdam na ang unang bubungad sayo ay ang taong nagpapatibok ng iyong puso. Ang bago mong mundo. Isang mala anghel na mukha. wala akong pakielam kung hindi ka babae. Love is universal and love knows no gender. Lahat pwedeng magmahal.
“I love you Mic” sabay halik sa kanyang noo.
“hmmmm…mmmm” sagot ni Micah pero nakapikit parin ang kanyang mga mata.
“good morning!” nakangiti kong bati sa kanya.
Unti unting nagmulat ang kanyang mata. Ang magagandang mata na iyon. Inilapit ko ang aking mukha sa kanya. Ang aking labi ay muling lumapat sa kanya ring labi.
“Josh”
SFX: TOOOOOOTTTT!!!! TOOOOOTTT!!!
Napabalikwas ng tayo si Micah sa kanyang pagkakahiga. Napalingon naman ako sa dagat. Nakita naming ang isang yate na may wumawagayway na bandila ng bansa.
“Dito!! Nandito kami” sigaw ni Micah
Hinubad nya pa ang kanyang pantaas na damit at sinimulang ikumpas iyon sa hangin.
Micah’s POV
Sa wakas ligtas na kami. Sa wakas! Napatingin ako kay Joshua na nakangiti pero nakita ko syang natitig lang sa akin.
“Josh, ligtas na tayo”
Tanging tango lang isinagot nya sa akin. Unti unting lumapit ang yate sa kinaroroonan naming.
“Micah!! Anak ko!!” isang pamilyar na tinig ang muli kong narinig.
“mama!! Mama ko!!”
Sinalubong ko si mama ng isang mahigpit na yakap. Napaluha ako habang sinasabi sa akin ni mama
“anak ko, patawarin mo ako anak”
“mama, I miss you so much!” naiiyak kong sabi sa aking mama
“uuwi na tayo”
Agad akong iniakyat ng mga taong kasama ni mama sa yate at agad na binalutan ng towel. Nilingon ko si Joshua pero wala sya dun.
“mama, si Josh yung kasama ko”
“wag kana mag alala anak sila na ang bahala sa kanya” paliwanag sa akin ni mama.
“pero ma,”
Ipinasok ako ni mama sa isang cabin sa loob ng yate. Hanggang sa makarating kami sa isang hotel.
Setting: Hotel
Kamusta na kaya si Josh
“Ma, nasan na po yung kasama ko sa isla?”
“ Anak pala sya ng isa sa mga investors natin. Tinawagan ko agad yung family nya ayun nagpadala agad ng private jet nila at dinala sya sa London” paliwanag sa akin ni mama.
“ahh ganun ba? Kamusta naman sya ma?
“alam mo bang sya lang ang tagapagmana ng lahat ng Business nila dito at pati sa ibang bansa?” sagot ni mama
Hay, alam ko naman na mayaman sila. Mayamang mayaman talaga. Pero kamusta na kaya sya. Di ko man lang nagawang makausap sya bago sya makapunta sa London.
Lumipas ang halos 3 araw at bumalik na ako sa school. Kinulit ako ng kinuklit ni Arriane kung ano daw ang nangyari sa akin. Nag kwento naman ako sa kanya pero hindi na kasama ang ibang nangyari sa amin ni Josh. Pagbalik ko ng school ay wala sya.
Dumaan ang unang klase, ikalawa hanggang bago ang lunch break ay:
“Good Morning!!!” pagbati ng isang mataas na opisyal ng school sa loob ng aming room
“I have an announcement to make”
Ano kayang announcement yun.