Chapter 13

119 3 3
                                    

Hi Readers, Thank you po sa mga walang sawang nagbabasa ng story na ito. I hope nag eenjoy po ang lahat. here's the chapter 13 of the story. Medyo natagalan ang update pasensya na :)

Micah’s Mom’s POV:

Setting: Cebu Hotel

                Halos dumaan ang magdamag. Pero wala paring balita mula sa coast guard. Wala na akong maramdaman. Wala akong gusto kundi ang Makita ang aking anak at humingi ng tawad sa kanya. Ako ang may kasalanan kung bakit sya nawawala o mas masama pa ay mawala sa akin ng tuluyan.

“ma’am, i am sorry but Mr. Miller is on the other line” sabi ng assistan

“hel..lo..ooo..” paputol putol na sabi niya

“what the hell happened?! I thought you will take care of everything? But what just happened?!!” sigaw ng lalaki mula sa kabilang linya.

“Where is my son!!” sunod na tanong ng lalaki mula sa telepono.

“Michael, I am sorry” ang tanging nasabi ko at pumatak na muli ang luha sa aking mga mata.

“I already booked a flight to Cebu. I will be there the day after tomorrow. I will get him” at ibinababa na ang telepono.

                Patuloy na umagos ang luha sa aking mga mata. Bawat Segundo na walang balita. Bawat bangkay na dumarating lulan ng yate ng coast guard, ipinapanalangin kong hindi si Micah. Naniniwala akong buhay pa ang aking anak.

Josh’s POV

                Hindi ako natulog sa magdamag. Binantayan ko si Micah tulad ng pagbabantay nya sa akin noong ako ay walang malay. Kitang kita ko ang mala anghel na mukha niya.

“sana babae ka nalang” bulong ko sa aking sarili.

                Sinariwa kong muli ang nangyari sa amin kanina lang sa buhanginan. Hindi ko napigilan ang aking sarili. Ang bawat paghaplos ng kanyang palad sa aking balat ay may kakaibang kiliting dala. Ang bawat paghalik ko sa kanyang labi, pakiramdam ko ay akin lamang sya habang buhay.

“mahal na nga kita” nasabi ko sa aking sarili habang nakatitig sa mukha ni Micah.

“sana lang pareho tayo ng nararamdaman”

“Micah’s POV:

                Nagising ako mula sa liwanag na tumatama sa aking mata. Nasa ibabaw kami ng puno. Teka, bakit nga ba? Ahhh! Naalala ko na. oo nga pala may kaluskos kaming narinig sa gubat habang, habang, habang nasa ibabaw ko sya!!.

                Agad akong umupo at hinanap si Josh. Bumaba ako ng puno at luminga linga. Nakita ko sya sa dagat. Isang perpektong tanawin, pansamantalang tanawin. Nakita ko ang kanyang maaliwalas na mukha.

“sana babae ka nalang para hindi ako nahihirapan at nalilito” bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa kanya.

                Pabalik na sya sa ilalim ng puno na may dalang nabingwit na isda.

“buti gising kana, ito oh nakahuli ako ng isda” sinasabi nya habang nakangiti.

“oo nga..” napayuko ako upang tingnan ang mga isda.

                Katabi ng isdang nakasabit sa isang kahoy ang kanyang basang katawan. Sandaling nabaling ang aking paningnin sa kanyang katawan at muli kong naalala ang mainit na tagpo sa aming dalawa kagabi. Naramdaman kong biglang uminit ang aking pisngi.

“ahhh… ehh… kukuha lang ako ng mga kahoy para … para maihaw na natin yang… yang isda” pautal utang kong sabi sa kanya.

“Micah…” tawag nya sa akin

“see you later dude!” sinabi ko sa kanya na hindi man lang sya nililingon.

                Ano bang nagyayari? Parang kelan lang kami nagkakilala pero parang sobrang tagal na. ang gaan ng loob ko sa kanya, gusto ko syang kasama at mahal ko na sya. Ano mahal ko sya? Haaay!!

“waaahhhhh!!!” sigaw ko dahil sa sobrang naguguluhan ako.

                Nakabalik ako sa lugar kung saan kami pansamantalang magkasama. Wala si Josh, nasan na kaya yun.

“Josh!!!” una kong sigaw

“Joshua pare?!!” pangalawa

“Joshua!!” Pangatlo pero wala parin.

                Nasan na kaya yun. Nakita ko na nasa isang dahon ng saging ang tatlong isdang kanyang biningwit kanina sa dagat.

“JOSHUA!!!” pang apat na beses kong sigaw pero wala paring akong nakikitang Joshua Sandoval sa paligid.

                Ilang minuto na ba ang lumipas pero wala parin sya. Naka upo ako na nakadikit ang dalawang paa. Nakasandal sa puno at nakatingin sa kawalan, sa dagat.

I'll keep on dreaming till my heartaches endTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon