Chapter 4:

178 2 0
                                    

                Eto parin ako at inaantay si manong guard na makakuha ng taxi. Nag aalburoto na ang mga alaga ko sa tyan. Alas syete na at wala pa ako sa bahay. Kanina pa kayang 5 PM kami dinismissed pero I am still here.

Guard: Sir, wala pong dumadaang taxi eh. Pasensya na po. mag roronda pa po kasi ako.

“Okay lang po yun kuya, salamat po at pasensya na sa abala” ang malungkot kong nasabi.

                Tumayo ako sa inuupuan ko at tuluyan ng sinara ni Kuya guard yung pinto ng campus. Mag co-commute nalang ako total nagawa ko na to dati. Naglalakad na ako papunta sa sakayan ng biglang …

Beep! Beeeep!!!

                Nagulat nalang ako ng may bumusina sa tabi ko. Wala naman ako sa gitna ng daan kaya bakit ako binubusinahan nito? Teka parang kilala ko tong sasakyan na to ha.

“Micah, tara na. Hahatid na kita, baka kung mapano ka pa nyan” aya ng lalaki

“kala ko umalis kana? Hmmm okay lang, kaya ko naman mag commute” sabi ko na medyo nahihiya na.

                Akmang aali na ako ng bigla syang bumaba sa sasakyan at hinawakan ang aking kamay. Hinila nya ako at dinala sa kabilang side ng kanyang Red Sports car. Nagulat ako sa bilis ng mga ngyari.

“Teka, sabi ko kaya ko naman mag commute, nakakahiya” sabi ko sa kanya

Akmang bubuksan ko na ulit yung pinto ng kotse niya ng biglang…

“Ooops, I insist” sabi nya sabay abot sa buckle na nasa gilid ng upuan pra ilagay yung seat belt.

Dug..Dug..Dug..Dug..

Ito nanaman yung pintig ng puso ko. Ang bilis bilis nanaman. Pano ba naman kasi ang lapit ng mukha ko sa mukha nya habang inaaus nya yung seat belt ko. Naramdaman ko ring umiinit na ang mukha ko at pabilis ng pabilis ang pintig ng puso ko.

“oh ayan, maayos na” sabi nya pagkatapos mailagay ang seat belt ko.

“thank you” ang tangi kong nasabi at napayuko nalang ako.

Tahimik lamang ako sa loob ng sasakyan nya habang sya naman ay nagmamaneho. Nakaramdam ako bigla ng pagbigat ng aking mga mata hanggang sa ako ay maidlip.

Joshua’s POV

                Hindi ako umalis sa campus. Lumabas lang ako at itinabi yung sasakyan kung saan matatanaw ko sya. Lumapit yung guar ng Campus sa kanya at bigla syang nalungkot pagkatapos na may sabihin ito. Mukhang umaayon sa plano ko ang mga ngyayari.

                Naglalakad na sya sa tabi ng kalsada patungo sana ng sakayan para magcommute. Ito na ang tamang oras.

Beep! Beeeep!!!

Medyo   nagulat ko ata sya

“Micah, tara na. Hahatid na kita, baka kung mapano ka pa nyan” aya ko sa kanya.

“kala ko umalis kana? Hmmm okay lang, kaya ko naman mag commute”sabi nya at tama nga ang hinala ko kanina.

Bigla syang lumiko at bago pa sya makahakbang pa eh kinuha ko yung kanang kamay nya at hinila papasok sa loob ng kotse ko.

“Teka, sabi ko kaya ko naman mag commute, nakakahiya” sabi niya. Ang cute ng boses nya.

“Ooops, I insist” sabi ko sabay abot ng buckle para maayos ang seat belt nya.

Sinadya kong ilapit ang mukha ko sa kanya para mas matitigan ko sana ng malapitan ang mga mata nya pero di ko kinaya. Baka kapag tumingin ako sa mga mata nya eh di ako makapagpigil at mahalikan ko sya.

“oh ayan, maayos na” sabi ko  sa kanya at pinaandar ko na ang sasakyan.

                Sinabi nya sa akin kung saan sya nakatira. Di pala kalayuan sa bahay naming kaya di masyadong hussle. Hindi ko maintindihan pero parang ang saya saya ko.

                Habang nasa byahe kami, di ako makalingon sa right side ko kasi baka bigla syang makahalata na tinitignan ko sya. Di ko naman masoot yung Ray Band na Shades ko kasi gabi na baka ma aksidente pa kami. Nakaka 20minutes na kami sa pag byahe pero ang tahimik nya. Naglakas loob na akong lumingon sa parte nya at nakita kong nakatulog na pla sya. Isang mala angel na itsura ang nakita ko sa kanya. Tinabi ko muna yung sasakyan ko para matitigan ko sya.

I'll keep on dreaming till my heartaches endTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon