Chapter 1 Aphrodite

113 2 0
                                    

"Aphrodite Nicole Montemayor!"

Naalimpungatan ako sa malakas na sigaw sa unahan.

"Kung matutulog ka lang sa klase ko, get out of my class", inis na sigaw ni Maam Calma, ang class adviser ng aming klase.

"Sorry Maam Calma, puyat kagabi eh. Saka first day pa lang naman ng klase. I'm sure wala pa naman gagawin ngayon di ba? Walang katapusang pagpapakilala lang", tinatamad habang humihikab kong sagot.

"Saka Maam, Nico na lang po. Ako kinikilabutan ako pag naririning buong pangalan ko eh"

"No, I will call you Aphrodite and that is final", madiin nitong sagot.

Kakamot kamot ang ulong tumahimik na lang ako. Totoo nga pala ang balita, si Maam Calma yata ang pinaka istriktong teacher dito sa St. Therese Academy.

Ako nga pala si Aphrodite Nicole Montemayor o mas kilala sa pangalang Nico. I have 4 brothers and the fifth child and only girl ng mayor ng bayang ito. Wala na akong nanay, namatay nung baby pa ako dahil daw aa breast cancer.

Graduating na ako ng high school at ang araw ng graduation ang pinakhihintay ko na araw. Gusto ko na kase sumunod sa Manila para makasama ko mga utol ko. Nakakaboring na kase dito sa bayan namin.

Hindi ako yung typical na babaeng teen ager na inaakala nyo. Wala akong tyaga sa mga arte at drama ng mga babae sa buhay. Wala akong hilig sa shopping, make up at kung ano anong kaekekan. Mahilig ako sa computer games at mangoleksyon ng gundam. Feeling ko dahil dito kaya wala akong kaibigang babae. Well, wala naman ako pakialam don dahil madami naman akong tropa, yun nga lang puro lalaki. Ako lang naman ang kaisa isang babaeng member ng kinatatakutang Young Blood Gangster or YBG. Exception lang ako dahil pinamana sakin ni Kuya Derek ang posisyon nya nung gumraduate sya 2 years ago saka takot lang nila sa tatay at mga kuya ko kung hindi nila ko tanggapin sa grupo. Inaamin ko, spoiled ako sa daddy at mga kuya ko. What Nico wants, she gets it.

At no, hindi ako kyombi o tibo. May mga tsismis na ganyan pero ako na ang nagsasabi, hindi totoo yon. Iba lang talaga trip ko sa buhay. Crush ko kaya si Daniel Padilla! Pero secret yun ha, walang nakakaalam non. Baka pagtawanan pa ako eh.

Being The Bad Girl's VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon