Chapter 4

787 4 0
                                    

Arianne's POV

Hi. I'm Arianne Chloe F. Enriquez. Best friend ako ni Gail.. or should I say Love. Parang mommy ko na yan! Kasi ang mature ng isip niyan sa maraming bagay. Ako, isip bata. Hahaha!

Hmm..

Ano bang gagawin ko? Yinaya ako ni Chris manood ng sine, kelangan daw nila sa school. Kelangan daw may partner. Ang iniisip ko, kung sasabihin ko ba kay Love kasi ang alam ko kasama rin namin si Jake. Ewan ko ba dun kay Chris, ipapartner daw niya sa classmate niya. Kelangan daw kasi may partner pag nanood. Hm, way para may extrang bumili ng ticket? Siguro nga. Oh, way lang talaga ni Chris.. hindi kasi ang pumayag nung yinaya niya akong makipag date. Ayoko naman kasi talaga sa kanya. Pero iba pa yun.. eto, napilitan ako kasi kelangan daw niya sa school pati kasama naman si Jake kaya okay lang.

Love calling..

"Hello?

Love?

Oh?

Wait, sa landline na lang tayo mag-usap..

Okay sige, bye."

Nako, eto na ang tawag ni Love. Hindi maiiwasan ang magkwentuhan kami. Hay, ikkwento ko na nga lang.. nag-aalala lang ako sa kanya.. kilala ko tong babaeng to! Madami siyang kayang gawin, at madami siyang naiisip na gawin.

*kring, kriiiing..

"Hello, beb! May ikkwento ako sa'yoooo.. aargh!" - Love

Hala, kwento agad tong babaeng to..

"Oh, ano yun? Ako rin, may kkwento. Haha!"

"Eh kasi.. nagalit ata si Jake sakin.. aaaahhh.."

"Bakit naman? Ano ba ginawa moo?"

"Eh kasi magkakasama kami kanina.. eh napagkwentuhan nila yung girl na lagi niyang nakakasalubong sa school niya. Soulmate daw niya. Maganda raw, chicks daw eh?! Eh syempre.. hello? Andun kaya ako.. para magkwento siya nun? Dibaaa? Di ko nga siya pinansin eh, nagyaya na lang ako pauwi.. nakakainis na kasi. Pati gabi na rin."

"Oh, pano mo nalamang nagalit siyaaa?"

"Nagtext kasi siya sakin. Eh ako, cold ko.. nasungitan ko kasi nakakainis nga. Ayun. Tinanong niya ko kung wala ako sa mood.. sabi ko lang, ewan."

"Tapos ano sabi niya?"

"Di na siya nagreply.. hm, itext ko kaya?"

"Oo, gaga.. itext mo!"

"Eeeeeeeeeeeeehhhhhh...!!!"

Parang batang lang eh noh?

"Ay, nga pala! Yinaya ako ni Chris.. kasama ata si Jake."

"Ha, saaan? Bakit? Ano meron?"

"Wala, kelangan daw panoorin.. sa school niyo yun eh. Wala ba kayo nun? Eh ayun, kelangan daw ng partner. Si Jake, ipapartner daw niya dun sa blockmate niya.. wala pa raw kaSavesing partner. Ayuuun."

"What?! Eh sino namang blockmate niya.. girl o boy?"

"Girl. Yung pinakilala niya raw sa inyo. Alam ko nga, may crush daw kay Jake yun eh!"

Friendship has its benefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon