Jamie's POV
Hi. I'm Jamie Coleen C. Cuestas. You all know na ako ang bestfriend ni Jamie. Oo, halos magkapatid na kami kasi since babies kami.. magkakilala na kami. And for the record, bestfriend kasi ng mom ko ang mom niya. Magkadugtong na ata ang bituka namin. Soulmate namin ang isa't isa. Haha. Well. Kahit gaano kami kalayo, pinagtatagpo pa rin kami ng tadhana. Nang tumira silang U.S., hindi rin namin naiwasan na magtagal doon. Anyway, kalog akong tao. Prangka, pinapansin ko lahat ng mapapansin ko. Kumbaga, kahit gaano ka kaganda o kagwapo hangga't may malalait ako sa'yo.. lalaitin ko. Ganun ako, hindi naman sa pagmamayabang pero maganda naman ako. Medyo mukhang koreana raw, pero hindi po. Kahit konting lahi, wala.
Uhm. Lovelife? NBSB ako, pero hindi ako katulad nina Love at Arianne na once nang nagmahal at nasaktan. Kasi ako, ngayon pa lang.. ang first love ko ang first boyfriend ko, si Kent.. Kent Martin M. Ramos.
Fling > Serious relationship kami.
Magkatext kami ni Love. Birthday na ng pinsan niya tomorrow, invited din kami. Anyway, hindi na naubusan ng kwento to si Love about sa kanila ni Jake sa mga nangyayari sa kanila. Sabagay, kahit naman ako.. napatanong kung ano talaga sila. Oo, kilala ko si Love.. marunong siya makipaglaro. Alam niya kung seryoso o hindi ang lalaki.. kaya pag seryoso, hindi niya nilalandi. Dahil kahit ganun kami, ayaw namang makasakit dahil ayaw naming mangyari sa amin yun.
Enough of their love story muna. Ako naman.
"Hayy.. ewan Love, hindi ko rin alam. Basta, kung ano man yan.. malalaman niyo rin yan. Pero kinikilig ako sa inyo." -ako
"Yea.. sana lang. Hayy.. beb. Hm, ikaw.. musta naman?" -Love
Eto ang kwento ko..
Kami ni Kent.. mahal ko na siya. At mahal niya rin ako, sabi niya. Hindi naman ako nagdududa.. dahil naipaparamdam naman niya sa akin.
Hmm.. pero hindi ko alam kung ano gagawin? Sagutin ko na ba siya? Pero, pano naman?
Gusto ko maliwanagan ang isip ko bago ako mag desisyon. Kaya naisipan kong mag lakad lakad muna.. sinama ko ang aso namin, para safe na rin. Ayoko pagsisihan ang desisyon ko.
First time kong magmahal, at alam ko namang kasama na dun ang masaktan. Pero kung masasaktan ako, sana worth it. Papunta ako sa main park ng subdivision ngayon.. pero naisipan kong dumaan sa mini park dahil naisip kong baka maraming tao sa main park. Gusto ko kasi ng tahimik na lugar.
Mag iisipisip nga e, so ayoko ng kahit ano mang distraction. Malapit na ko sa mini park nang may narinig akong nag aaway na dalawang lalaki.. nagsisigawan sila, pero parang hindi naman nagsasakitan physically. Hay, ano ba yan! No choice, sa main park na nga lang. Lakad ulit, lakad.. nadaanan ko ang bahay nina Love, dapat pupunta ko.. pero mas gusto ko talagang mag isip na ako lang. Hindi ko na muna iistorbohin si Love, kasi pag sinabi ko sa kanya.. siguradong proproblemahin niya rin ang nararamdaman ko. Ganun kasi yung babaeng yun.
Nakarating na ako sa main park. Buti naman at wala masyadong tao.. tahimik. Tinali ko si Jabb sa poste. Jabb ang name ng aso namin. Ako naman, umupo muna. Nag isipisip. Binalikan ang mga pag uusap namin ni Kent.
Lalo na ang last text niya sa akin kagabi..
"Goodnight din. =) Sana ako mapanaginipan mo, para sweet dreams. And I want you to know.. at sana paniwalaan mo na mahal na mahal kita. Muah! =) Willing to wait for that right moment. Hehe."
Sabihin ko na rin kaya sa kanya na mahal ko siya?
Mahal naman niya ko eh. Walang duda na naipaparamdam naman niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Friendship has its benefits
Teen FictionFriends with benefits? Ano nga ba yon? Parang Mutual Understanding lang ba yun? Or pwede ma-develop?