Mahigit one week na nakalipas after nung birthday ng pinsan ko. Hindi na kami nagkikitakita. Kami lang ni Jamie. Nakakapag usap naman kami ni Arianne pa minsan minsan. Nililigawan na siya ni Chris, pero hindi pa rin talaga niya gusto si Chris. Si Chris, minsan ko na rin makausap. Mga busybusyhan kami sa school namin.
At eto ako ngayon..
Umiiyak.
Bakit nga ba?
Nasaan na siya?
Nasaan na yung kami?
Biglang nawala.
Bakit?
Anong ginawa kong mali?
Okay naman kami ah?
Bakit biglang ganun?
I miss him.
So much.
Nasasaktan ako.
Ano nga ba nangyari?
Basta, bigla na lang kami nawalan ng communication.
...
...
...
...
2 weeks na.. wala pa rin. Kaya nagtanong na ko, nalaman ko.. nawalan siya ng cellphone. Pero wala bang way para masabi niya sa akin yun?
Sa iba ko pa nalaman..
Nagtanong pa ko..
Ewan.
Ano ba talagang meron kami?
Ano ba talaga ko sa kanya?
Wala lang?
...
...
...
...
Matagaltagal na kaming walang communication. Walang usap. Walang kita. Siya lang talaga ang walang communication sa akin.
Eto ako ngayon, kasama si Chris. Sabay kami uuwi, dahil late na kami dnismiss pareho pati inantay na rin niya ko kahit mas late uwian ko sa kanya kasi may dala siyang sasakyan.
Dahil bestfriend ko siya.. nag open up na ko sa kanya..
"Chris. Hmm.. uhm.. musta yun?" -ako
"Sino?" -Chris
"Siya.."
"Si Jake?"
Tumango ako.
"Hm. Okay naman. May phone na ata siya eh. Diba nawalan siya."
"Oh? Ewan ko. Pano mo naman nalaman?"
"Oh, di mo alam? Boyfriend mo, di mo alam?"
"Haha, adik!" *smirk, at hinampas ko siya sa braso
"Aray! Wala, sabi kasi nung kaklase ko kinukuha niya raw no. ko kanina. Magkachat sila. Sasabay ata pauwi."
"Oh, ano raw?"
"Wala, di alam nung kaklase ko yung no. ko eh! Hahaha! Pero kanina pa ata uwian nun."
"Ahh. Hmm. Eh Chris.. ano na balita sa kanya?"
"Hmm.. okay naman. Baka bukas magkita kami. Balitaan kita. Hahaha!"
"Sige ah?"
Nakatingin lang ako sa bintana..
Tulala..
Nag preno si Chris bigla, nagulat ako..
Tawa siya nang tawa..
"Hahaha! Hoy Gail! Tulala ka masyado dyan! Hahahaha!"
"Epal ka! Hindi naman kaya!"
Inirapan ko siya at hinampas sa braso.
"Wag mo masyado isipin yun. Ikaw naman kasi, ayaw mo pa ko pakinggan dati eh."
Yumuko lang ako.
Nag smile ng pilit.
Tumingin sa bintana.
"Chris. Mahal ko na ata yang kaibigan mo eh.."
Napatingin si Chris sa akin.
"Ewan ko. Siguro nga tama sila.. kung kelan wala na, tsaka mo marerealize kung ano ba talaga siya sa'yo. Chris, tingin mo.. love na?"
Hindi ko gusto umiyak, pero ang traydor kong luha.. nagsimula nang magsitulo.
"Miss na miss ko na siya Chris.."
Hinawakan ako ni Chris sa balikat..
At tinap niya ang likod ko..
Inabutan ako ng panyo.
Kinuha ko yun, pinang punas ko..
"Chris. Hehe.. pasensya ka na ah. Mahal ko na yang kaibigan mo eh!"
Nakatingin lang si Chris sa daanan.
Seryoso yung facial expression niya.
"Ano plano mo?" -Chris
"Wala? Wala naman ako magagawa eh. Masyadong magulo, malabo."
"Ganun lang yun?"
"Oo. Alangan namang mag confess ako sa kanya? For what?"
"Diba sabi ko sa'yo.. hindi mo malalaman if you don't take the risk. Puro ka what if."
Natahimik lang ako.
Hindi na kami nag-usap.
Nagpaalam lang kami, nung maihatid na niya ko sa bahay namin.
Nakauwi na ko.
Derecho ako sa room ko.
Di ko mapigilan di umiyak hanggang sa nakatulog ako.
Kinabukasan na ko nagising.
Sa sobrang pagod na rin kasi ng katawan at utak ko.
After ng ilang weeks pa..
May nalaman ako..
</3
:'(
Lalo lang ako nasaktan..
May katext na na iba si Jake..
"May kalandian na bago si Jake."
Yan ang sentence na narinig ng dalawang tenga ko..
Yan ang sentence na lumabas sa bibig ni Jamie..
Ang sentence na iniyakan ko nanaman.
Ang sentence na sana hindi ko na lang narinig.
Ang sentence na hindi ko na lang sana nalaman.
Ang sakit.
:'(
Bigla na lang ganun.
Ganun na lang yun?
I fell inlove..
So, ang ibig sabihin ba nun is..
TALO NA KO?
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Vote, comment, be a fan.
C'mon, readers! Puro silent readers naman ata. Hayy.. :(
BINABASA MO ANG
Friendship has its benefits
Teen FictionFriends with benefits? Ano nga ba yon? Parang Mutual Understanding lang ba yun? Or pwede ma-develop?