Love's POV
Hay! Ang sarap ng feeling na ganto.
Tahimik.
Malamig.
Malayo sa mga ingay at problema.
Andito ako ngayon sa Tagaytay. Kasama ko si Jamie. Kami lang dalawa.
Kaninang lunchtime lang kami dumating. At kahapon niya lang ako niyaya.
Kahapon.. kahapon.. kahapon lang.. kahapon lang kasama ko si Gab.
Ngayon, namimiss ko na siya.
Hindi pa rin siya nagpaparamdam ngayong araw na 'to eh.
Ay! Tigilan mo nga Love.
Diba andito kayo ni Jamie para iwanan muna ang problema?
Oo nga pala! Mag uunwind muna kami ni Jamie dito.. ewan ko kung hanggang kelan.
Kahit may pasok. Hehe.. ang mga students kasi sa school namin, pumapasok pag may quiz at test lang or pag sinabi ng prof. na kailangan niyang maituro ang lesson dahil sobrang mahirap. Tamad din kasi mga prof. sa school, hahaha! Pero at least, inaalala nila ang mga students pag alam nilang mahirap ang lesson. Ayos lang naman sa akin, hindi naman ako bumabagsak. Sanay na rin ako. Challenge na rin ito sa mga students. At pag hindi naman kaya ng ibang students, pwede silang humingi ng lecture meeting sa mga professor.
Si Jamie? Ano nga bang problema nun?
Asan na nga pala kaya yung babaeng yun?
Ay!
Love, wala ka nanaman sa sarili.
Oo nga pala, kasalukuyan akong nasa bath tub ngayon. Umiinom ng red wine. Hehe.. konti lang naman. Pang relax lang, wala naman akong balak mag lasing.
Kumukulubot na rin ang mga daliri ko, matagal na kong nandito at hindi na rin ganun kainit ang tubig.
Umahon na ko at nag bath robe.
Paglabas ko ng bathroom, walang Jamie sa kwarto.
Paglabas ko ng kwarto, walang Jamie sa living room dito sa taas.
Pagbaba ko, walang Jamie sa living room sa baba.
Pagpunta ko ng kitchen, wala pa ring Jamie.
Pagpunta ko sa bathroom sa baba, wala ring Jamie.
Asan na ba yun?
Iniwan ata ako ng babaeng yun.. -___-
Makataas na nga, check ko na lang phone ko baka may text si Jake sa akin..
Ay si Gab pala!
Ay si Jake!
No, si Gab!
Love, si Jamie!
*dub dub dub dub..
Shhh.. quiet!
May naririnig akong tugtog..
Ringtone ko yun!
May tumatawag!
Sino kaya? Takbo Love baka di mo maabutan!
"Hello?"
"Pakibuksan yung pinto!!"
"Jamie, ikaw ba yan?"
"Hindi Love, hindi ako to! Duh, kanino bang no. to?"
Tinignan ko naman yung phone ko..
BINABASA MO ANG
Friendship has its benefits
Teen FictionFriends with benefits? Ano nga ba yon? Parang Mutual Understanding lang ba yun? Or pwede ma-develop?