Chapter 18

529 6 7
                                    

Kent's POV

"Sir, hanggang dito na lang po ako.." sabi ng secretary ni mama.

Andito na pala kami.

Pumasok naman ako sa kwarto kung saan kami tumigil.

O___o

Totoo ba tong nakikita ko?

Mukhang panaginip lang ito?

Pangarap ko lang to!

Dati, oo pangarap lang.

Pero eto at andito na!

Nasa harapan ko na..

ANG BUONG PAMILYA KO!

Oo, pangarap kong makumpleto ang buong pamilya ko.

At hindi lang mga magulang ko at mga kapatid ko ang andito..

Pati na rin ang mga kamaganak ko sa parehong side ng mga parents ko. Isa lang naman kasi ang kapatid ni mama at dalawa lang ang naging pinsan ko doon.

Ang mama ko.. ate ko.. younger sister ko..

At..

ANG PAPA KO.

Oo, andito.

Nasa malaking diner table sila.

Paano nangyari to?

At anong meron?

"Kent.."

Si Ate Krisha, hinawakan ako sa balikat.. "It's okay, tara."

Kakarating lang din niya.

Tumango na lang ako sa kanya.

Nang makalapit ako sa table, tumayo si mama kaya napatingin ang ilan sa amin habang yung iba naman ay nag uusapusap.

"Eto na pala sina Krish at Kent."

"Oh, sila na ba yang mga anak mo? Ang lalaki na ah?" ..sabi ng isang babaeng pamilyar sa akin ang mukha.

Si ate- ^__^

Ako- nakatitig lang dun sa babaeng pamilyar.

"Ah mga anak, si tita Janice nyo.. naalala nyo pa ba?"

"Tita Janice?!" -ate

Ah. Oo, naalala ko na siya.

Siya ang last na kamaganak ko na nakita namin at nakausap.

I was 9 years old. Close kami sa kanya.

Siya ang tumulong sa amin na mag move on nang iwan kami ni Papa.

Tumango siya na naka smile sa amin.. "Ako nga! Touched naman ako, naalala niyo pa ko kahit papano."

Napatingin ako sa right ko kung saan nakatayo pala si Papa..

Bali ang pwesto.. AKO   ATE   KRISTINE   MAMA   PAPA   LOLO

Nakatingin rin pala siya sa akin na parang inaantay niya akong tumingin sa kanya.

Binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti at umupo na.

Binigyan din naman niya ako ng isang tipid na ngiti.

Sinerve ang mga pagkain, at nagsimula na kaming kumain.

Matapos kumain.

"*Ehem! Excuse me. I'll just have something to say."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friendship has its benefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon