Chapter 5

655 3 0
                                    

Eto ako ngayon, kausap si Jamie sa phone. Kwentuhan. Napadalas kaming ganto kasi araw-araw may naikkwento ako sa kanya about sa amin ni Jake. This time, napatanong na talaga kami..

ANO BA TALAGA KAMI?

Fling?

Okay. Marunong ako makipaglaro, pero minsan na kong na-inlove.. at hindi na naulit yun. Yun yung first puppy love ko. Naranasan ko ang first heartbreak ko, kaya parang ayoko na maulit pa yun. Pero NBSB ako.. oo, pa-fling fling lang ang lola mo.

Kinabukasan.

Birthday ng pinsan ko ngayon. Magpapainom daw siya. Since naging friends na niya mga friends ko, ininvite niya. Lalo na si Jake na super magkasundo sila. Makulit kasi ang pinsan ko, makwento at mapagbiro. After school, uwi agad. Late na kasi mga uwian namin, kaya pahinga ng konti, ligo, ayos then gora na!

Medyo nahuli sina Chris at Arianne. Galing sa school si Arianne, sinundo ni Chris. May something na si Chris for Arianne pero mahirap talaga hulihin si Arianne. Pareho kaming puro fling lang, pero isang beses na ring na-inlove at nasaktan.

Tumatagal at humahaba na ang gabi. Madami dami na rin kaming naiinom. Maya maya ay tumabi sa akin si Chris, sabay bulong..

"Oh, musta? Ano balita?" -Chris

"Huh, ah e.. saan?"

"Yung pinagusapan natin.. diba? Go na!"

Napagusapan kasi namin na i-open ko na kay Jake yung about sa amin.. kung ano ba talaga kami. Inopen ko na rin kasi na naguguluhan na ako. At umamin na rin ako kay Chris na gusto ko si Jake. Sabi ko, ayoko.. natatakot ako. Wala akong lakas na loob para gawin yun. Pati sabi ko, parang ang awkward naman kung bigla ko siyang tatanungin. At ang sabi ko..

"Chris. Wag na. Hindi ko pa naman mahal yang bestfriend mo noh! Gusto lang, okay. Sus."

Pero pinipilit niya pa rin ako na gawin. Hanggang sinabi ko na, bahala na. Kinukulit kasi ako masyado ni Chris nung araw na yun.

"Ano ka ba, Chris. Ayoko nga!"

"Bahala ka. It's time na para mag usap kayo.. dahil pareho na kayong nakainom."

"Tsk, eeehh.. hindi pa lasing yan oh! Ako nga, hindi pa lasing eh!"

"Pero may tama ka na.. halika, labas tayo. May sasabihin ako sa'yo."

Nagpaalam kaming saglit para lumabas.

Naglalakad kami. Parang kuya ko si Chris nung time na yun.. sinasabihan niya talaga ako about the chance. Paano ko raw malalaman if I don't take the risk. Hindi raw pwedeng puro ako what if, kasi pagsisisihan ko lang daw lahat. At puro malay mo ganto, malay mo ganyan. Binibigyan niya ko ng pag-asa that time. Para bang sinasabi niyang.. mahalin mo si Jake, mahalin mo si Jake. Pero bukod dun, umamin siya sa akin na mahal na niya si Arianne at nagpapatulong siya sa akin. Sumang ayon naman ako, inasar ko pa nga siya kasi napansin ko na rin yun, matagal na. Kasi si Arianne, nagsusumbong sa akin na nilalandi raw siya ni Chris.

Bumalik na kami sa loob, at tuloy ang inuman. Hindi ko ginawa ang pinagusapan namin ni Chris dahil hindi ko pa talaga kaya. Pagbalik namin, andoon na si Ramon. Dahil malalim na rin ang gabi, inalok niyang doon na kami sa condo nila matulog. Pumayag na kami dahil hindi na rin kami mga makakauwi.

Sa condo.

Nagbonding ang mga boys sa pag-uusap about dota at pagyoyosi. Habang kami namang mga girls ay nagaayos ng tutulugan. Hanggang sa natira ako, si Jake at ang pinsan ko sa sala.

Eto na ang matakaw kong pinsan na kinukulit ako na bumili ng pagkain. Malayo pa ang bilihan at di ko kabisado ang lugar kaya hindi rin kami nakabili. Sinabi ko na lang na matulog na siya.

Nakahiga sa sofa si Jake, ako naman ay nakaupo sa tabi niya. Hawak ko ang noo niya. Pumunta sa kwarto ang pinsan ko para mangulit ng iba. Tumayo ako para uminom ng water, pagbalik ko umupo ako sa sahig sa tabi ng sofa. Hinawakan ni Jake ang kamay ko.. nakatitig lang kami sa isa't isa nang bigla ko siyang nabigyan ng isang smack sa lips. Hinila niya yung kamay ko para makayakap sa kanya, pero biglang dumating ang pinsan ko kaya tumalikod siya sa akin at hinalikan ang kamay ko. Nakayakap pa rin ang isang kamay ko sa kanya, mga ilang minuto ay inalis ko na rin at umupo sa may paahan niya.

Doon na ko nakatulog, nakapatong ang dalawang paa binti niya sa lap ko. Pareho kaming bagsak sa pagtulog. Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong umalis sa tabi namin, pagkadilat ko.. may upuan nang naka dugtong sa sofa at nakahiga na ako sa legs niya. Imagine, medyo masagwa ang pwesto. >__< Umayos na lang ako.

Maya maya'y gising na si Ali at Ramon na galing sa isang kwarto. Nagising ako, at pumasok sa kwarto para makatulog pa ng maayos. Nakanakaw rin ako kahit sandaling tulog, nagising at nag kape. Nagising na rin si Jake mula sa sofa. Sina Ali at Ramon, pumasok ulit ng kwarto. Nakaupo ako sa upuan na nakaduktong sa sofa habang iniinom yung kape. Ngumiti sa akin si Jake at kinuha yung kamay ko.. kiniss niya ulit. At hinihila ako papunta sa kanya. Nakiliti pa nga ako, kaya sabi ko huwag na at inalok ko na lang siya ng kape. Alanganin naman kung maglalandian pa kami ng ganung oras di ba.

Pero kung meron akong napansin, laging kamay ko lang ang hinahalikan niya. At parang lagi lang siyang nagpapayakap sa akin. Ako pa nga tong nagnakaw ng isang halik sa labi. Buti na lang at smack lang yun.

Maya maya nagising na ang iba. Umorder na lang kami ng breakfast namin, at dun na kumain. Pahinga sandali, at nagyayaan na umuwi.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

VOTE, COMMENT, Be a fan. :)

Ayoko na muna mag demand kung ilang votes at comments.

Ewan. May mga nagbabasa naman ata, pero bakit walang vote at comment? :(

HAYYSSS!

Friendship has its benefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon