Ilang araw at linggo na rin ang nakalipas. Di naman ako ganun nag emo emo. Hindi naman pwedeng maging malungkot lang ako. Hindi na rin ako nagtanim ng galit sa kanya.. oo, mahal ko kasi siya as mahal ko talaga at mahal ko siya as a friend. Kung may gagawin pa kong iba, baka maapektuhan lang ang barkada. Malakas kasi ang impluwensiya ko sa barkada namin.. ganun din naman siya. Magiging magulo kung magkakaroon pa ng apoy between us. Hinayaan ko na lang. Pero oo, mahal ko pa rin siya.. kahit masakit.
Ilang araw na lang at birthday na ng guy bestfriend kong si Chris. Speaking of, wala.. tinigil na ni Chris ang panliligaw niya kay Arianne. Gwapo naman ang guy bestfriend ko, at madaming nagkakandarapa sa kanya. Ayaw talaga ni Arianne pumasok sa relasyon pa, pero friends pa rin naman sila. Mas naging close na rin dahil sa panliligaw. Hindi naman masyado naghinanakit itong bestfriend ko dahil madami dyan. Hahaha! Anyway, malapit na nga ang birthday niya.. impossibleng hindi siya magpa party.. at syempre, magkikitakita nanaman kami lahat. At yun ang magiging unang pagkikita namin ni Jake kung nagkataon.
Tama! Kailangan kong ipakita na wala lang ang nangyari.
We're friends.
Nasa mall ako ngayon. Mag isa lang ako. Wala kasi akong makasama. Bukas na ang mismong birthday ni Chris, at wala pa kong gift for him. Mahilig talaga kasi ako mag bigay ng gift.. lalo na sa friends ko. Galante ako sa friends ko. Hm, anyway.. sa darating na Saturday pa ang celebration niya. Pero sigurado namang magkikita kami bukas, dahil sabay kami uuwi nun. Driver ko yun eh! Hahaha! Ano nga bang ibibigay ko na gift? Gusto ko kasi shirt or shoes.. pumunta akong Solo kasi gusto ko sa kanya ang mga shirt dun. Nakabili ako ng black shirt dun na may abstract design na dark blue. Bagay na bagay kay Chris to! At dahil gusto ko rin ng shoes, sa Wade ako nakahanap. Medyo pang formal yung dating ng shoes, pero magugustuhan niya naman yun. I'm sure.. hehe. Syempre, galing kasi sa akin. Nag shopping na rin ako ng isusuot ko sa party niya pati ng mga damit na magustuhan ko. Pampatanggal stress din ito.. SHOPPING. Hahaha! Binilan ko rin ang sarili ko ng paborito kong siomai.. 40pcs. na siomai lang naman. Favorite ko kasi yun, kahit yun lang ang kainin ko buong araw, okay na ko. ^____^
Umuwi agad ako, nakakapagod pero tanggal stress naman. Masaya ako sa mga nabili ko. Pag uwi ako.. sinalubong ako ng cute na cute kong aso na si Margarita. Golden retriever siya, pinangalan ko siya sa favorite kong cocktail drink. Hehehe. Baby ko siya, and best friend at the same time. Kung nasaan ako, andun lang din siya.. kahit sa room ko, may sarili na siyang bed doon. Pag nasa bathroom ako, nasa pintuan siya.. inaantay ako lumabas. Ang cute noh? Kinukwentuhan ko rin siya lagi, before ako matulog. Para na siyang tao sa akin. Hahaha! I love dogs talaga eh.
Ayun, pag uwi ko.. derecho ako sa room ko. Tinry yung mga nabili kong damit, nanood ng movie at natulog na rin. Nag alarm ako ng 12am, para magreet ko si Chris. Ganun kasi ako, gusto ko gngreet ko agad ang mga friends ko.. kahit anong occasion pa yan! At hindi lang basta short message, long message talaga! =)
Ito yung text ko sa kanya..
"To my dearest guy bestfriend CHUPE! :)))) Joke lang. Happy birthday, Chris! May you have more birthdays and girls to come. Di ka kasi umubra kay Arianne e. Sus, eh ikaw pa. Ang dami dami mong chicks jan. Basta Chris, I'm always here for you.. you'll always be my guy bestfriend. Si Chupe, na laging epal sa buhay ko! Hahaha! Love you, Chupe. Ay Chris pala! Mmwah! Happy birthday ulit!"
CHUPE. Kasi dati nagaasaran kami ng medyo mabantot na nicknames. Ang tawag naman niya sa akin ay BENLO. Baliktad ng Lovaine na pinasagwa niya.
Kinabukasan.
Nagising akong maaga. Maganda ang gising ko today ah.
Derecho ako agad sa baba, para makapag breakfast na. Nakasunod na rin sa akin si Margy, short for Margarita. Hehe. Hmmm... bango ah! Ano kayang niluto nina Yaya Maris at Yaya Ising?
BINABASA MO ANG
Friendship has its benefits
Teen FictionFriends with benefits? Ano nga ba yon? Parang Mutual Understanding lang ba yun? Or pwede ma-develop?