Andito pa rin kami ni Gab sa hotel.
Nakahiga kami sa kama.
Malamang sa kama, nakahiga nga eh.
Hahaha! Epal ko lang.
Nasa likod ng ulo niya mga kamay niya.
Ako, nakahiga sa braso niya.
So, magkatabi kami.. pero may konting space na pagitan. Yung ulo lang magkadikit.
He's shirtless.
Love..
Love..
Hui Love..
Self control okay?
Huwag mong kakalimutan. C-O-N-T-R-O-L.. control!
Tumingin ako sa kanya.
Nakatingin lang siya sa kisame.
"B.."
Tumingin ako sa kanya.
"Closer.."
"Ha?"
Hindi siya sumagot, hinila niya lang ako closer sa kanya.
Ngayon, naka akbay na siya sa akin. Nakahiga na ko sa dibdib niya.
"Yung kinwento mo sakin.."
"Hm?"
"Yung.. *ehem! mahal mo.."
"..."
"Hindi mo pa nasasabi pangalan sa akin.."
"Ah, yun ba. Wag na. Hayaan mo na yun, di na importante yun. Iba na lang pag usapan natin."
"Hurt? *smirk Iba na lang, wag na rin natin pag usapan yun.. wala na rin naman eh."
"Eh ano pag uusapan natin?"
Silence.
Silence.
Silence.
"Naalala mo ba nung mga bata tayo.. gustong gusto mo mag laro ng lutu lutuan. Sabi mo pa nga, gusto mo maging cook. Pero naging doctor na ang gusto mo nung nagka sugat ako.." -Gab
Nag smile lang ako sa kanya, at natawa..
Naalala ko nga.. nung mga bata pa kami. Naglalaro kami nun sa playground sa village. Naghahabulan kami, napatid siya sa bakal kaya siya nadapa. Linapitan ko siya.. ngumiti lang siya sa akin.
"Okay ka lang? Tara, uwi muna tayo?"
Tumango lang siya.
Pagdating namin sa bahay nila. Pinakita namin sa maid nila. Pinagalitan kami nung maid, pinalo pa nga kami sa pwet.
Habang nililinis yung sugat ni Gab, napapaluha na siya pero pinipigilan niya.
Hawak ko siya sa braso niya.
After llinisin.. "Binbin, nasaktan ka ba?"
"Huh? Saan? Wala naman akong sugat ah."
"Sa palo nung babaeng yun.."
"Hindi, hindi naman masakit yung palo niya. Eh yang sugat mo? Masakit pa rin ba?"
BINABASA MO ANG
Friendship has its benefits
Teen FictionFriends with benefits? Ano nga ba yon? Parang Mutual Understanding lang ba yun? Or pwede ma-develop?