Gail's POV or Love's POV
"Hoy Jamie, saan ba kasi tayo pupunta?"
"Malapit na tayo.. hinaan mo nga boses mo."
"E baka kasi madapa ako! Ang dami mo naman kasing alam.. may pa ganto ganto ka pang bakla ka!"
Naka piring ang mga mata ko. Naka high heels pa naman ako ngayon, kaya natatakot akong baka madapa ako or matalisod. Sabi ni Jamie, may pupuntahan daw kami.. surprise daw kasi namimiss na niya ko. Hindi na raw niya kasi ako nakakasama, laging si Kent. Kaya nag prepare siya ng ganto sa akin.
"Love, wag kang maarte dyan ah.. dalawa na nga kaming nakaalalay sa'yong bakla ka!"
Oo, dalawa silang nakaalalay sa akin. Pero hindi siya nagsasalita. Lalaki ata siya. Amoy lalaki eh, ang bango nga eh.. nakakagigil ang amoy. At malaki ang katawan niya, braso pa lang eh. Pati napahawak ako sa dibdib niya nung muntik na ko madapa dahil palag ako ng palag. Kung nakikita ko lang tong lalaking to at gwapo.. nagpapacute na ko ngayon! Hihihi.. ang landi lang ng lola niyo.
Naging tahimik ang pagakyat namin sa isang building.. ata. Medyo ang tagal namin sa elevator eh, so mataas tong place na to. Aba, may hinanda nga ata ang gaga.
Hmm.. napansin ko, parang wala nang nasa paligid ko. Ang last na sinabi sa akin ni Jamie.. "Umupo ka muna dyan.."
Naghintay naman ako for a while. Pero wala pa rin, hindi kaya pinagtripan lang ako nung babaeng yun. Tinanggal ko na ang piring sa akin, pero parang walang natanggal. Madilim pa rin. Wala akong makita. Natatakot ako. Napapaluha na ko..
"Beb? Beb? Jamie! Jamie? Asan ka? Natatakot na ko.. asan ka baaa?"
Tumutulo na luha ko..
*sniff, sniff..
Biglang bumukas ang dim light, at tumunog ang First Love by Utada Hikaru.. pero walang lyrics. Pagkakita ko, piano at mga violin lang ang tumutugtog. Maya maya nagsalita na ang isang lalaki.. parang kilala ko ang boses niya.
"Can I have a warm welcome from that girl na umiiyak kanina dahil takot pa rin sa dilim?"
Papalapit na siya sa akin. Naaaninag ko na siya, at naaamoy.. oo, siya yung kaninang naaamoy kong lalaki na umaalalay sa akin.
Sino naman kaya to?
At bakit niya alam na umiiyak ako pag natatakot ako sa dilim?
Nang malapit na siya sa akin. Mas lumiwanag, dahil sa disco lights.
Naka smile siya sa akin.
Kilala ko tong lalaking to..
Inaninag ko pa ang mukha niya..
Siya nga..
Kilala ko siya!
"G-g-gab?"
Nag smile siya.
"You haven't answered my question yet.."
"Gab! Ikaw ngaaaaaaaa!"
Napayakap ako sa kanya ng sobrang higpit.
"I guess the answer's yes.. kung makayakap ka ah."
Inabot niya sa akin yung flowers.
"Aaaaawww.. Gab! Ginulat mo ko masyado.. nakakainis ka! Kelan ka pa nandito, ha? Di ka nagsasabi dyan."
BINABASA MO ANG
Friendship has its benefits
Teen FictionFriends with benefits? Ano nga ba yon? Parang Mutual Understanding lang ba yun? Or pwede ma-develop?