Si Future - Part 1

943 24 5
                                    

"Hoy tabi! Hinaharangan mo ang future ko!"

Hinarap ako ni Ram nang sabihin ko 'yon. Magkatabi kaming nakaupo sa loob ng klase. Boring kasi ang lecture kaya 'di ako nakikinig. Natatawang inirapan niya ako t'saka siya mas lalong humarang.

"Asa ka pa! 'Wag ka na. Wala ka sa level ng mga tipo niya," aniya na nakangisi sa'kin. Napanguso naman ako at napairap.

"Wala akong pake," taas kilay na sagot ko sa kanya at saka ko siya bahagyang itinulak para lang makita ko si Kram.

Sino si Kram?

Gaya ng sabi ko, siya ang future ko. Kaso ako lang nakakaalam no'n siyempre. Ako lang ang tumitingin. Siya ang nakakahuli. Ako ang tititig ng matagal, siya 'yong panandalian lang tapos iiwas. Siya 'yong tipong ang ganda ng ngiti, ako, landing ngiti lang. 'Yong tipong flirt-flirt na ngiti at tingin lang tapos kapag matagal na siyang tumingin with matching smile and--the dimples? Damn! Oxygen please!

Gaya ngayon, nahuli niya akong nakatingin kaya pasimpleng bawi ako ng tingin at sandal sa upuan. Pagkatingin ko sa harap kung nasaan ang instructor ay hindi ko mapigilang mapangiti sa kawalan habang nakatitig kay Ma'am Tu.

"Yes Miss Marquez? May sasabihin ka? Ang ganda ng ngiti mo a. Baka gusto mong i-share sa klase kung ano o sino ang dahilan?" Ani Ma'am Tu kaya hindi ko mapigilang dumiretso ng upo at mapanguso. May halong panunukso kasi ang tinig ni Ma'am.

"Ayoko siyang i-share Ma'am. Akin lang siya," biro ko. Tumawa naman siya at ang buong klase.

"Sus Ma'am! Siya lang naman nakakaalam na sa kanya 'yang pinagpapantasyahan niya. Madalas nga pinagtatabuyan pa siya," singit ni Ram kaya mas lalong napuno ng tawanan ang klase. Humarap naman ako kay Ram t'saka ko siya nginusuan. Iiling iling na lumingon ako sa gawi ni Kram at nakitang nakalabas ang dimples niya.

That smile. Just a smile, okay na kahit maging clown ako ng buong klase, natatawang napailing ako ulit at saka tumutok na ng tingin kay Ma'am Tu na ngayon ay nangingiting umiiling din.

Si Future (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon