Si Future ay sa Akin Lamang

234 12 2
                                    

"Maze? Kram? What's going on?"

Si Love.

Unti-unti akong binitawan ni Kram. Ramdam ko na any moment, lalayo na siya sa akin.

At hindi ako papayag.

Hindi na.

Laban kung laban.

Ngayon pa ba ako papatalo?

Sus!

"Love, I like Kram. Dati pa. Nung kaka-transfer  ko. Nung makita ko siyang tahimik sa isang sulok. Nung first time na titigan ko siya. Nung first time na maka-grupo ko. Nagustuhan ko na siya. Hanggang ngayon, kahit gusto ko umiwas, ayoko na. Gusto ko sa'kin lang siya."

Woohoo! Ang haba nun!

"Wow. . ." Rinig kong sabi ni Kram kaya napalingon ako sa kanya at do'n ko lang napansing naka-lagay pa rin ang kamay niya sa bewang ko.

"Sus! Gusto ka naman pala niya kuya. Dami mong arte! Bahala na nga kayo d'yan!" Saad ni Love t'saka siya tumalikod at naglakad na palayo.

Ako? Naiwang nganga. Aba! Anong nangyayari?!

Bahagya kong itinulak palayo si Kram. Nakita kong nakangisi na siya ng sandaling 'yon. Ngingisi at ngingiti. Parang baliw lang ang loko!

Kinunutan ko siya ng noo at sinamaan ng tingin.

"Spill! Anong kuya pinagsasasabi ng babaeng 'yon?" Mahinang asik ko.

Bahagya siyang tumawa.

"Pinsan ko siya."

"Huh?!" Nanlaki ang mga mata ko. "Teka nga, pakiulet!"

"Pinsan ko si Love, Maze."

Shet!

Napatampal ako sa noo.

"D'yan ka na nga!" Halos pasigaw kong sabi sabay talikod at magilis na naglakad palayo.

Si Future (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon