Si Future at si Present - The End

286 12 5
                                    

Nurses' Night. Naggagandahang mga babae ang nandoon, at siyempre, hindi rin papahuli ang mga lalake. Nasa kalagitnaan ako ng pagmamasid sa lahat ng dumalo nang may kumalabit sa balikat ko. Paglingon ko ay nakita ko ang pinakagwapong lalake para sa akin nang gabing 'yon. Nakangiti niyang inilahad ang kamay niya na siya namang sinundan ko ng tingin.

"May I have this dance baby?"

Nakangiti kong tinanggap ang alok niyang 'yon. Kung panaginip 'to, okay lang na hindi na ako magising. I swear! Pero, hindi e. Kaya sobrang happy ako.

Nasa kalagitnaan kami ng pagsasayaw nang maramdaman ko ang paghigit niya sa bewang ko kaya bahagya akong napayakap sa balikat niya.

"Ang tangkad mo naman ngayon baby," aniya na bahagyang nagpatawa sa'kin.

"Kailan ka pa naging joker?" Sarkastikong bulong ko.

"Ngayon lang naman," aniya. Umiling na lang ako at tinitigan siya sa mga mata. "May tatanungin pala ako Maze."

"Ano 'yon?"

Nginitian niya ako t'saka niya pinasadahan ng tingin ang buong mukha ko.

"Bakit mo 'ko iniwasan nung mga nakaraang linggo? What for?"

Grabe ang boses niya. Parang musika lang sa pandinig ko. Feeling ko sa tuwing nagsasalita siya, kinakantahan niya ako.

Napanguso ako. "E, pakiramdam ko kasi, ako 'yong extra sa buhay mo. Nando'n si Thea, si Gemma, sus! Ano naman daw laban ko sa kanila 'di ba?"

"What do you mean?" Bahagyang kumunot ang noo niya.

"Gaya nga ng laging sinasabi ni Ram, walang wala ako sa tipo ng mga babaeng nagugustuhan mo. Ni wala ako sa kalingkingan. Susme! 'Di naman ako maganda--"

"You are."

Nginusuan ko siya nang putulin niya ang sinasabi ko.

"Makinig ka nga kasi. Naman e," nakangusong saad ko. Bahagya naman siyang natawa.

"Okay, okay. Go on," aniya.

"Ayon nga. 'Di naman ako sexy--"

"'Di naman talaga," natatawang putol niya na naman ng sinasabi ko kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Isa pa a. Psh! 'Di naman ako matalino--"

"You are Maze. At hindi naman gano'n kakitid ang--"

"Ako ba ang magsasalita o ikaw? Ikaw na lang kaya ako?" Pambabara ko. Umiling naman siya, at kasabay no'n ay ang ngiting gustong gusto kong nakikita sa mukha niya.

"Fine. Fine. Sorry. Sabihin mo kung tapos ka na," aniya.

Inirapan ko siya at saka ako bumuntong hininga. "Ayon nga. Hindi ako maganda, sexy, matalino at higit sa lahat, hindi ako mayaman. Ang naririnig ko kasing tipo mo e, almost perfect na uri ng babae. Malayong malayo ako ro'n at alam natin 'yan. So siyempre, bumaba ang self confidence ko. Ako na lang 'yong umiwas. Ang kapal naman ng mukha ko kapag pinagpilitan ko pa sarili ko sa'yo 'di ba? E halata namang 'di mo ako gusto at sumasabay ka lang sa trip ko." Umiling ako. "Kaya ayon. Sabi ko, tama na, kasi nga, 'yon. A basta! 'Yon na 'yon!"

Tinitigan ako sa mga mata ni Kram kaya naman nakaramdam ako ng ilang. Kung nakakatunaw lang ang tingin, kanina pa ako tunaw. Susme!

"You done?"

Wala sa sariling tumango ako.

"Pwede na akong magsalita?"

"Ay hindi."

"Wow. Nagtatanong nga 'di ba?" Pambabara niya kaya bahagya na lang akong natawa.

"Oo nga."

"Okay. Ikaw naman ang makinig," aniya dahilan para matitigan ko lang siya. "Iyan. Iyang mga tingin mong 'yan. Kulang na lang sabihin kong, tukso layuan mo ako, dahil sa tuwing titigan mo ako, hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko kailangang lagi akong gwapo sa paningin mo."

Pinigilan kong matawa pero fail. Natawa ako sa sinabi niya kaya naman bahagya akong yumuko, at nang mahimasmasan ay tinitigan ko siya ulit.

"I really like your eyes," pagpapatuloy niya matapos niya akong titigan ng masama. "'Di ko na namamalayang gusto ko, ako lang ang tinititigan mo. Gusto ko, ako lang 'yong focus mo. Simula no'ng umiwas ka, ikaw na ang hanap ko. Hindi ko nga alam kung bakit gano'n, pero maski sa pagtulog, ikaw na ang naiisip ko. Shit. Nakakabakla naman 'to," aniya sabay hawak sa tenga niya dahilan para mapangiti na lang ako.

"Seryoso ka Kram?" Wala sa sariling tanong ko.

"Ay hindi! Malamang 'di ba? Kanina pa nag-iinit mukha ko rito! Kung hindi lang madilim, mukha na akong mansanas. Tch!" Kunot noong sumbat niya sa akin, ngunit imbis na barahin ko siya ay natawa na lang ako. "And that smile of yours, it has this effect on me. . . 'Yong epekto na mapapangiti na lang ako sa tuwing ngingitian mo ako. 'Yong mapapailing na lang ako sa tuwing maaalala kita. And damn! It feels strange yet, it feels good."

"Bola mo," nakanguso kong sabi.

"O tapos ngayon hindi ka maniniwala? Wow! Alam mo bang ilang beses ko 'yong pinagpraktisan kagabi? Wow lang Maze!" Pagsusungit niya.

Bahagya akong tumawa ngunit agad ding natigil 'yon nang maramdaman kong hawakan ni Kram ang baba ko at iangat 'yon.

"Huwag mo na ulit akong gagawing baliw dahil sa kaiisip sa'yo okay?"

Tila may bumara sa lalamunan ko kaya naman napatango na lang ako.

"And this time, lahat ng mangyayari, seryoso na. Are we clear?"

Tumango akong muli lalo na nang mahimigang seryoso nga talaga siya.

"So, Miss Maze Marquez, will you be my baby? For real? Pwedeng pumayag kang magpaligaw?" Nakangiting tanong niya.

Ramdam ko ang saya ng sandaling 'yon. Sa sobrang saya ay ni hindi ko magawang magsalita at bilang tugon ay mabilis lang akong tumango tango sa kanya.

"Good," nakangiting sabi niya saka niya ako buong higpit na niyakap dahilan para yakapin ko rin siya ng napakahigpit. Buti na lang talaga at naka-high heels ako ngayon kaya mukhang matangkad ako. Sa tangkad niya kasi, madalas ay mukha akong pandak.

Psh. Oo na, ako na pandak. Pero kahit na, may Kram naman ako ngayon.

Si Kram Drake Chua nga pala, ang present at--

FUTURE ko.

~ The End -- na nga ba? (╯▽╰)

Si Future (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon