Si Future - Part 3

398 15 3
                                    

"Sino nga pala 'yong tinutukoy ni Ram do'n?"

Nilingon ko siya saka ako uminom ng tubig. "Sa'n?"

A lopsided smile were visible on his lips. Bahagya pa akong napataas ng kilay nang gawin niya 'yon.

"Sa'n nga?" Pangungulit ko dahil 'di ko naman gets kung anong tinatanong niya.

Umiling siya. "'Yong pinagpapantasyahan mo."

Kung may naiwang tubig sa loob ng bibig ko, naibuga ko na siguro 'yon sa kanya. Kung may kinakain lang ako, bigla ko na 'yong nalunok at nabulunan ako. Kaya imbes na sumagot ay wala sa sariling napalunok ako ng sarili kong laway.

Shet!

"H-Ha? W-Wala!" Ikinaway ko pa ang dalawa kong kamay sa harap ng mukha niya para lang patunayan ang sinasabi ko. Kaso fail. Tumawa na siya e.

"Akala ko pa naman ako," aniya na nakangiti pa. Pigil ang ngiti ay bahagya kong kinagat ang ibabang labi ko at nangalumbaba paharap sa kanya. Iniharang ko pa ang kamay kong nakapangalumbaba sa bibig ko t'saka ako umiling.

Susme! Susme!

Kung pwede lang mag-tumbling ang puso ko sa mesa kung nasa'n ang mga kinakain namin ngayon, inalabas ko na 'yon at pina-tumbling.

Isang nakakalokong ideya ang pumasok sa isipan ko.

"Paano kung ikaw?" Sinalubong ko ang titig niya nang lingunin niya ako at saka ko pa itinaas ng dalawang beses ang kaliwang kilay ko.

"Kung ako ang pinagpapantasyahan mo?" Nakangising sabi niya saka siya nangalumbaba gamit ang dalawang kamay. "E 'di gawin mo. Maganda 'yan."

Mas lalong napataas ang kaliwang kilay ko at alam kong kasabay no'n ay ang kilig na dumadaloy sa buong intestine ko.

"Sigurado ka?"

Ngumisi siya. "Oo." Bahagya niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko kaya bahagya akong napaatras. "Gawin mo," hamon niya pang talaga kasabay ng pagtaas-baba ng dalawa niyang kilay.

Nang sabihin niya 'yon ay nalunon ko ata ang dila ko. Bahagya akong nakaramdam ng hiya lalo na nang titigan niyang mabuti ang mga mata ko. Ang kalandian na ginawa ko ay dinoble niya. Nakalimutan ko atang pinapatulan niya ang mga kalandian ko.

Shemay!

"Ang ganda ng mata mo," aniya na mas lalong nagpawindang sa mga lamang loob ko. Kulang na lang talaga ay mag-twerk it like miley ang balunbalunan ko dahil sa mga sinasabi niya. Lalo na ang nakakalokong ngiti niya at ang paraan ng pagtitig niya. Kulang na lang ay mabasa niya kung anong isinisigaw ng mga mata ko ngayon.

Help!

Yes. I need help. Wala na akong masabi. Ni hindi ata nag-touch ang electrical activity ng neurons ko. Napunta ata lahat ng charge sa puso ko dahilan para bumilis ang pintig no'n.

Chos lang siyempre. Speechless ako dahil sa kilig. At kung gan'tong gwapong nilalang ang nasa harap ko-- a, duh!

Si Future (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon