Si Future at Sila - Part 5

316 12 0
                                    

Araw ng Sabado. May gathering sa campus kung saan magsasama-sama ang higher year levels at lower year levels. Siyempre, kaming dalawa na ni Ram ang magkatabi. Sa isang table kung saan kami naupo ay nandoon lahat ng student council. Sa kasamaang palad, kasali ako. Ang ikinatuwa ko lang, e nung malaman kong kasama si Kram sa gathering.

"Hoy! Sino na namang hinahanap mo?" Pukaw sa'kin ni Ram kasabay no'n ay ang pagsiko niya sa braso ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Ang future ko siyempre," nakangiting sagot ko.

"Sus! Ayon o! Nandoon sa mga lower year levels. Nanchi-chicks na," nakangusong sabi niya sa kung saan kaya naman sinundan ko agad 'yon ng tingin at nakita nga ro'n ang future ko. Tumatawa kasama ang mga gaya niyang magagaling kumanta. Ang alam ko kasama niya 'yon sa choir kung saan sila member.

Oo, magaling kumanta si Kram. Iyong habang kumakanta siya, ikaw 'yong tipong mapapatigil sa ginagawa mo para lang makinig sa kanya.

At kapag kumanta na siya? Susme! Idagdag mong pumapalakpak ang tenga ko, lalo na kapag mapapatingin siya sa gawi ko. Kilig to the highest level. 'Yon na 'yong tipong mag-i-imagine kang ikaw mismo 'yong kinakantahan niya. Maloloka ka!

Napairap ako. "E 'di sila na," nakangusong sabi ko saka ako nangalumbaba. Nakita ko ang paghampas nung babae sa balikat ni Kram kaya napataas ako ng kilay. "Sobrang close sila gano'n? E 'di sila na," bulong ko sa sarili.

Nasa kalagitnaan ng gathering nang may umupo sa tabi ko kung saan bakante. Si LJ.

"Nakatitig ka na naman kay Kram," aniya. He's my close friend. Kapag wala akong makain, lagi ako sa kanila. Masarap naman kasing magluto ang family niya, at alam niyang patay gutom ako.

"Naman. May bago ba do'n?" Singit ni Ram habang ako nakatitig lang kay Kram at doon sa babaeng member ng lecheng choir na 'yan. Wala nga si Thea, may pumalit naman. Mas malala pa dahil ini-entertain din nitong si Kram.

Nakaka-imbyerna!

"Ano bang nagustuhan mo kay Kram?" Rinig kong tanong ni LJ. Napangiti naman ako habang nakatitig kay Kram.

"'Yong ngiti niya. 'Yong paraan ng pagtitig niya. 'Yong amoy niya. Lahat naman ata, basta siya," nakangiting sagot ko.

"Inaamoy mo siya? Aba! Malala ka na Maze!" Bulalas ni Ram kaya napatingin ako sa kanya.

"Grabe naman. Hindi ba pwedeng naaamoy ko lang?" Depensa ko.

"Sus. Maniwala ako sa'yo," nakangising sabi niya kaya natawa na lang ako. Mas madalas ko kasi siyang amuyin kaysa maamoy.

Adik na adik lang ako 'no?

"E ikaw Kram? May gusto ka ba kay Maze?" Rinig kong tanong ni LJ, at kung hindi ako nagkakamali, si Kram ang tinanong niya.

Kulang na lang ay ibalot ko sa ulo ko 'yong table cloth lalo na nang marinig kong may humila ng upuan mula sa likuran ko. Nang may maupo ro'n ay pumikit na ako at pasimpleng napailing. Kilala ko ang amoy na 'yan at hindi ako pwedeng magkamali.

"Bakit? May gusto sa'kin si Marquez?" Rinig kong tanong ni Kram mula sa likuran ko. Hindi ko ginustong lumingon sa likuran ko pero mukhang may sariling isip ang leeg ko at nilingon siya. Hindi naman ako nagsisi nang makitang nakangiti siya sa'kin.

Tuluyan akong humarap sa kanya at napangiti.

"Yeah. Gusto ka raw niya," ani LJ. Hindi ako nakaramdam ng hiya. Mas nakaramdam pa nga ako ng kagustuhang malaman ang reaksyon at sagot ni Kram.

"O? 'Di nga?" Baling sa'kin ni Kram.

"Ay nako friend, tara na. Magsosolo na 'yang dalawang 'yan," rinig kong sabi ni Ram pero hindi ko na siya nilingon. Alam kong tumayo na sila at umalis pero kay Kram pa rin ako nakatitig ngayon at gano'n din siya.

"Paano kapag sinabi kong, oo?" Napangisi ako. Excited ako sa tuwing nagkakasagutan kami ng ganito.

"Hmm. . ." Sumandal siya sa upuan nang hindi humihiwalay ng tingin sa akin, pero ang ngiti kanina sa mga labi niya ay nawala kaya naman bahagya akong kinabahan. Ngunit tuluyan na akong kinabahan nang seryoso na siyang nakatingin sa'kin.

Napalunok ako at nag-iwas na ng tingin. "Joke lang. 'To naman 'di mabiro."

"A joke huh?" Umiiling na sabi niya na pinagtaka ko. "Maze Marquez," tawag niya kaya naman nilingon ko siya.

"Hmm?"

"Sinong ka-date mo sa party?"

Bahagya akong napangiwi sa tanong niya. "Next month pa 'yon a. Dapat bang may ka-date?"

Tumango siya. "Yeah. And I'll be your date no matter what," aniya na nagpalaki sa mga mata ko. Nang tumayo siya ay sinundan ko pa siya ng tingin. "I'll see you around. Balik na ako ro'n," nakangiting sabi niya saka siya tumalikod at naglakad na palayo.

Wait now. . . What just happened?

Si Future (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon