Si Future - Part 6

308 13 1
                                    

3 more weeks to go before our Nurses' Night, pero daig ko pang excited na bata na sasapit na ang Christmas at makakatanggap ng napakaraming regalo na gustong gusto ko dahil sa sobrang excitement.

"Grabe much bebe? Ang sagwa mong tignan. Ang creepy ng ngiti mo," rinig kong puna ni Ram. Nasa kalagitnaan kami ng paggawa ng costume para sa kandidato namin para sa Miss University.

I rolled my eyes and giggled. "Wala akong pakielam," I shrugged.

"Hoy Kram! Ano na naman bang ginawa mo kay Maze?" Rinig kong sigaw ni Ram kaya naman agad ko siyang nilingon at bahagyang tinapik. Kasabay no'n ay ang bahagya niyang pagtawa.

"Ano 'yon?"

Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ko ang boses ni Kram. Agad naman akong ngumiti nang lingunin niya ako.

"Hi baby," lambing na bati ko. Bahagya naman siyang tumawa at saka siya tumango. Mataman ko lang siyang tinitigan. Ewan ko rin kung bakit. Parang lagi ko nga siyang nami-miss e, kaya naman sa tuwing lalapit na siya, kung pwede lang titigan ko siya maghapon, ginawa ko na.

Nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap ni Ram nang lingunin niya ako dahilan para matigilan siya sa pagsasalita at matuon ang paningin sa akin.

"Bakit ka na naman nakatitig?" Bahagyang nakataas ang dalawang kilay niya, at kasabay no'n ay ang palihim na pagkibot ng labi niya, dahilan para mas lalo akong mapangiti. I find it cute when he's doing that without him noticing.

"Gusto ko e. Masama bang tumitig?"

Humawak siya sa tenga niya at hinimas 'yon. Pansin kong madalas niyang gawin 'yon. Hindi ko alam kung mannerism niya lang talaga 'yon. "Hindi. For your eyes only," nakangiting aniya. Nagpigil man akong ngumiti pero fail. Kagatin ko man ang buong labi ko ay talagang 'di ko mapigilang mapangiti.

Bahagya akong nag-iwas ng tingin pero agad din naman ibinalik ang tingin ko sa kanya. "Good." Muli ko siyang tinitigan at sa pagkakataong 'yon ay tuluyan ko na siyang hinarap at itinigil na muna ang ginagawa ko.

"O, tama na nga. Sobra na," aniya na bahagya pa siyang umiwas ng tingin na animo'y nahihiya na dahil hindi na mapakali ang mga mata niyang kung sa'n-sa'n napadako. Bahagya naman akong natawa.

Ngumisi ako. "Ayoko nga."

"Wow!" Bahagya niyang iniatras ang ulo niya at saka umiling.

"Bakit--"

"Miss Maze Marquez, tawag ka sa office."

Napalingon ako sa may pinto kung saan nanggaling ang boses na 'yon at nakita si kuya Batz, our president sa student council. Tinanguan ko naman siya bilang tugon.

"O, tawag ka raw," pukaw ni Kram kaya nilingon ko siya.

Muli akong napangisi dahil sa kalokohang naisip ko. "E kung ayoko? Pa'no kung mas gusto kong titigan ka? May magagawa ka?"

Siya naman ang ngumisi. "Oo. Aalis na 'ko. Bye," paalam niya saka siya tumalikod at tuluyan nang naglakad palayo. Naiwan naman akong napanguso ro'n at napilitang tumayo at pumunta na nga ng office.

Tch! Tignan mo 'yon! Hmp! Kainis naman o!

Si Future (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon