Si Future at ang Galit

251 12 1
                                    

"Kram! Ano ba! Uy! Ba't ka galit?"

Nilingon ako ni Kram. Tinitigan niya ako ng masama.

"Ako? Galit?" Ngumisi siya. "Hindi ako galit."

"E ba't hindi ka namamansin?"

"Bakit Maze? Ga'no ka-importanteng pansinin kita? Hindi naman kita kailangan pansinin araw-araw 'di ba?"

"Duh! Isang linggo ka ng ganyan sa'kin!"

Kumunot ang noo niya. "E ano naman?"

Inirapan ko siya. "Porke close na kayo ni Love." I shrugged. "Whatever." Tumalikod na ako at akamang aalis pero hinila ni Krama ng braso ko. Hinapit niya ang bewang ko at itinaas ang isa kong braso sa ere dahilan para hindi ako makawala nang pilitin ko.

"Sinungaling," aniya.

Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Huh?!"

Inilapit ni Kram ang mukha niya sa mukha ko kaya naman bahagya kong iniatras ang ulo ko.

"Ba't ka lumalayo? Hindi kita hahalikan. Unless, you wanted to," nakangising aniya.

"W-What? A-Ano bang nangyayari sa'yo ha?!"

Kinakabahan na 'ko! Mamaya bigla kong sabihin na gusto ko talaga siyang i-kiss! Enebe!

"Ang galing mo talagang magsinungaling 'no?" Seryosong aniya.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Kiss me Maze."

Nanlaki ang mga mata ko.

Ano raw?

"Kiss me? Or I'll kiss you?" Mapanukso ang himig niya ng sandaling 'yon. Kulang na mag-back flip ako ngayon kaso hindi ko magawa kaya naman 'yong puso ko ang 'di makakalma.

No Maze. Trip niya 'yan. Mag-go with the flow ka!

Hinawakan ko siya sa leeg. Nakita ko ang bahagyang paglaki ng mga mata niya na tila ba nagulat.

Ngumisi ako. "Ready?"

"Maze? Kram? What's going on?"

Tch!

Si Love.

Putspa!

Si Future (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon