Si Future at ang Blue Rose

226 11 2
                                    

"Maze. . ."

Napalingon ako sa likuran ko. Nakita ko si Love ro'n na nakatayo. Kasalukuyan akong nagta-type sa laptop ng term report.

Hinarap ko siya.

"Hmm?"

"Ano. . . Kayo ba ni Kram?"

Umiling ako. "Hindi."

"Ahh... Sobrang close niyo kasi," nakangiting sabi niya.

"'Yon lang ba?"

Tumango siya. "Gusto ko si Kram, Maze. Ayos lang ba? Hindi ka naman niya nililigawan or anything? Or do you like him?"

Makakasagot ba ako ng tama sa mga mata niyang parang alam na ang sagot? 'Yong mga matang akala mo kung maka-kislap, parang nanalo sa lotto.

Nakita ko si Kram sa likuran ni Love. Napakagat ako sa labi. Si Love agad ang tinitigan niya bago pa dumapo sa'kin ang mga matang 'yon.

"Si Kram? Nanliligaw?" Bumaling ako kay Kram. "Nanliligaw ka ba? Hindi naman 'di ba?"

Saka ko lang napansing may hawak si Kram na blue rose nang tanungin ko siya. Nang titigan ko 'yon ay dahan-dahan niya 'yong binali.

Tinitigan ko ang mukha niya.

"Hindi ako nanliligaw Maze?" Si Kram.

Umiling ako.

"Ang alam ko kasi, ang panliligaw, ginagawa sa taong gusto mo at hindi sa taong pinipilit mong magustuhan," paliwanag ko t'saka ako lumingon kay Love. "Huwag ka sa'kin magsabi ng nararamdaman mo. Bahala ka sa sarili mo. Suit yourself Love." Nginitian ko siya.

"Talaga? 'Di ka magagalit a?" Bakas sa mukha ni Love na masaya siya.

"Wala naman akong karapatang magalit."

"Talaga lang huh Maze?" Pukaw ni Kram kaya napalingon ako sa kanya. Ibinasura niya ang blue rose sa basurahan. "Napaka-walang kwenta," aniya t'saka siya tumalikod at lumabas na ng faculty office.

Si Future (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon