Si Future - Part 8

260 13 2
                                    

1 week before our Nurses' Night. Dalawang linggo ko na ring iniiwasan si Kram kahit na napapansin kong nilalapitan niya ako.

Bakit?

Ewan ko. Kusang lumalayo ang katawan ko kapag nase-sense kong malapit na siya, o nandiyan siya. Kung dati, gustong gusto ko siyang nakakasalubong para matitigan, ngayon, gano'n na lang ang pagiwas ko sa kanya.

"Can we talk?"

Natigilan ako sa pag-inom ng tubig. Kasalukuyan akong nasa canteen at hinihintay si Ram. Ibinaba ko ang hawak kong bottled water at isinara 'yon.

"Maze."

Pasimple akong huminga ng malalim at lumingon sa likuran ko.

Si Kram.

Walang reaksyon ang mukha niya nang matitigan ko siya.

Damn. I missed him so much.

Pilit ko siyang nginitian. "Hi baby. Kain," yaya ko.

"I'm done. Gusto lang kitang makausap. Iiwas ka na naman ba?" Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.

Suminghap ako at napailing. Pinilit ko pa rin siyang ngitian. "Grabe ka naman. 'Di naman ako umiiwas."

"Iniiwasan mo 'ko Maze." Bakas sa mukha ni Kram na seryoso siya kaya naman unti-unting nawala ang pilit na ngiting meron ako.

Sumandal ako sa upuan at ang tensyon na meron ako sa buong katawan ay ini-relax ko.

"I'm not, but my body does." Humarap ako sa kanya at kitang kita ko sa mukha niya na hindi niya na-gets ang sinabi ko kaya naman umiling na lang ako. "Nagpa-miss lang ako," biro ko.

"Maze, seryoso ako."

"Seryoso rin ako baby."

"Maze." Kitang kita ko ang pagtitiim-bagang ni Kram dahilan para titigan ko siyang mabuti. Tutok na tutok sa akin ang mga mata niya na parang ako lang ang tao sa canteen. Na parang ako lang ang nakikita niya at wala ng iba.

"Bakit? O sige, magseryosohan na tayo." Umayos ako ng upo.

"Kausapin mo ako."

"Kinakausap na kita baby."

"Seryoso nga ako Maze."

Lumapit ako sa kanya at mataman siyang tinitigan. Halos tatlong dangkal na lang ang layo ng mukha ko sa mukha niya.

"Seryoso na ako sa lagay na 'to Kram."

Kumunot ang noo niya. "Ganyan ka ba talaga?"

"Anong ganyan?" Nagtatakang tanong ko.

"Lahat ba sa'yo biro?" Kunot noo pa ring tanong niya dahilan para mangunot na rin ang noo ko.

"Anong seryoso ba ang gusto mo? Seryoso na nga ako rito e," nakangusong reklamo ko. Muli akong sumandal sa upuan at pinag-krus ang dalawa kong braso sa harap ng dibdib ko. "Mukha ba akong nagbibiro?"

"Oo. Lagi naman e," agad niyang sagot dahilan para mapataas ako ng kilay.

"Huh? Kailan? Saan? Paano?" Sunod-sunod kong tanong. Kulang na lang ay magsalubong na ang kilay ko dahil hindi ko makuha ang sinasabi niya.

"Lagi mo naman akong binibiro. Lahat puro joke. Kailan ka ba seseryoso?"

Natigilan ako sa paraan ng pagsasalita ni Kram kaya naman ibinaba ko ang dalawang kamay ko at naglandas 'yon sa mga binti ko.

"Ano Maze? Biro lang ba talaga lahat? Joke lang ba talaga? Puro joke na lang?" Puno ng panunumbat ang tono ng pananalita ni Kram ng sandaling 'yon.

Kulang na lang ngumanga ako ng literal ngayon sa harap niya. Hindi naman sa hindi ko ma-gets ang sinasabi niya. May sagot naman ako. Kaso, kaya ko na bang sabihin? Kaya ko bang panindigan?

"See? Sabi na e. Puro joke lang ang lahat. Lalo na kapag sinasabi mong gusto mo 'ko," iiling iling na sabi niya at kasabay no'n ay ang pagkukrus ng dalawang braso niya sa ibabaw ng dibdib niya.

Napatayo ako. "Hoy! 'Di joke 'yon a! Gusto talaga kita! Kaasar 'to! Saka teka, kailan ko sinabi sa'yong gusto kita? Ha?"

Ngumisi siya dahilan para matauhan ako sa sinabi ko.

Shit.

Nahihiyang napaupo akong muli sa kinauupuan ko. Lalo na nang ma-realize ko kung anong ginawa ko at kung saan ko ginawa. Nakita ko ang tinginan ng mga tao sa gawi namin kaya naman bahagya akong napayuko.

Idagdag pang, umamin lang naman ako kay Kram na gusto ko siya.

Grabeng kahihiyan 'di ba?

"Wala ng bawian. Sinabi mo na," rinig kong sabi ni Kram kaya kunot noo akong napaangat ng ulo at tinitigan siya. Kitang kita ko ang magandang ngiti niya at naghuhumiyaw na dimples niya. "Sabi mo seryoso kang gusto mo 'ko?" Nakangisi niya pang tanong.

Napanguso naman ako. I rolled my eyes and flicked my tongue. "Tss. Asar ka. . ."

"O bakit?" Natatawang tanong niya.

Inirapan ko siya. "Ewan ko sa'yo."

Ngumiti siya. "Mas cute ka kapag ganyan ka, baby."

Nanlalaking mga mata ko siyang tinitigan. Kulang na lang ay hindi ako kumurap nang marinig kong tawagin niya akong baby. Kulang na lang himatayin  ako on the spot. Ito ang tinatawag na shortness of breath. Ito na 'yon. Evidence-based ang tawag dito! Nakakalokang sagad!

Si Future (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon