CHAPTER 1

229 3 2
                                    

CHAPTER 1

Nagpalakpakan ang mga tao matapos kong magperform. I just played my own piece. It was named 'Melodia'. Inspirasyon ko ang ina kong si Melody Santillan-Vergara.

Today is my twenty third birthday. Ang daming dumalo ngunit hindi lahat ay kaibigan ko. some of them are just my grandparents friends. Na hindi naman ako ang gustong makita kundi ang mga taong kilala sa lipunan na nasa kaarawan ko ngayon.

Matapos kong mag bow sa harap nila ay kaagad na akong pumunta sa tabi ng daddy ko. kaagad na nag flash ang mga camera ng mga media na naroon sa mansyon. Kung ako lang ang papipiliin gusto ko mas private ang pag ce-celebrate ng birthday ko. I hate too much crowd.

It makes me feel uncomfortable pero Kailangan kong tiisin. I need to smile and to chat a little. Matapos ng pagkuha ng larawan ay kaagad akong pumunta sa ilang mga kaibigan ko. nakita ko kaagad si Yasmine Ajna De Leon at si Martha Alesia Diaz.

Kumaway ako sa gawi nila.

Nang makalapit ako sa kanila ay kaagad silang humalik sa pisngi ko.

"Xarina, Happy birthday." Sabay na bati ng dalawa.

Close friends ko sila mula noong nasa high school pa lang ako.

"Buti naman at hindi niyo kasama ang mga kuya niyo."

Over protective kasi ang mga Kuya nitong dalawa. Palibhasa mga babaero at natatakot na baka makakilala sila ng mga katulad nilang ginagawang laro lang ang damdamin ng iba.

"Wala sila sa bahay, tumambay sa condo ni Kuya Andrew." – si Martha.

Tumango na lang ako. kaya pala tumakas lang pala ang dalawa mula sa mga kapatid nito. Kung alam nila na tumakas ang dalawang ito ay tiyak narito na sila sa mansyon at nag-iingay.

Sobrang maiingay ang mga iyon at makukulit. Buti na lang mga guwapo sila pero hindi ko sila type. Masyado silang playboy. Basta maganda at ready makipag flirt sa kanila puwede na.

Inabot nila ang mga regalo nila sa amin. Kasama ang regalo ni Kristyna at Leanna.

"Kasama nila Tito Ash at Tita Josephine si Leanna sa Belgium. Grounded si Leanna dahil sa pagpunta ng Grandeur last week ng walang paalam. Nag stalk na naman kasi siya kay Icer." Martha rolled her eyes.

Napatawa na lang ako. masyado naman kasing in love itong si Leanna kay Icer. Hindi tumulad kay Kristyna na hanggang ngayon wala pa rin boyfriend pero hindi dahil sa wala siyang gusto. Kundi dahil sa yung gusto niya ayaw pa rin siyang pansinin.

Anak nila Tito Ash at Tita Josephine si Kristyna at inaanak nila si Leanna. Mukhang pinadala siya doon para hindi makapaglayas at matigil na siya sa kakasunod kay Icer.

Pinakuha ko sa mga maids namin ang regalo na dala nina Martha at Yasmine.

Ilang oras din nagtagal ang party na iyon. My whole body hurts. Lalo na ang aking hita at paa. Sobrang sakit dahil sa heels pero kahit sobrang nangangalay na ako ay Kailangan ko pa ring ngumiti at kausapin ang mga bisita.

Naroon din ang ibang mga manliligaw ko. actually, hindi ko sila gustong kausapin not that I don't like them. Ang guwapo nga nila e, may sinabi sa buhay, matatalino at mga hot pero wala silang pinagkaiba sa ibang lalake na kung magpalit ng mga girlfriends ay parang nagbibihis lang ng damit.

Hindi ko sila pinapaasa sinasabi ko sa kanila na wala silang pag-asa sa akin pero tuloy pa rin sila sa pagpapadala ng kung ano-ano sa akin.

Nginitian ko lang sila.

Ng matapos na ang party ay kaagad akong nagkulong sa kuwarto ko at matapos na hubarin ang heels na suot ko ay nahiga agad ako sa kama ko.

Damn! nakakapagod talaga ang makipag ngitian sa mga tao kahit hindi mo naman sila kilala.

The Only One I Need (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon