CHAPTER 4

104 3 0
                                        

CHAPTER 4

Inayos ko na ang mga files na Kailangan ni Sir Charles sa loob ng office niya. hindi naman masyadong busy ang kaniyang schedule ngayon. kasi naman pinabago niya sa akin ang iba niyang schedules within this month.

Noong isang araw ay buong araw lang kaming nandito sa office niya at narinig kong nagbubulungan ang mga empleyado na bihira lang daw mapirmi dito sa office itong si Sir Charles.

Nag text nga pala itong si Ate Astrid sa akin. Kailangan daw naming magshopping mamaya. Kaya lang napakunot noo ako ng sinabi niya kung saan kami mamimili. Hindi ko first time na mamili doon pero si Ate Astrid na may tindahan ng mga mamahaling damit at may collection ng mga branded items.

Susunduin daw niya ako mamaya sa labas ng D&S.

Ano naman kaya ang problema ng isang iyon?

"Good Morning, Sunshine!"

Napatingin ako sa may elevator. Si Mavrik lang naman. Kumindat pa siya sa akin.

"Good Morning, Sir Mavrik." Ngumiti ako sa kaniya.

"I need to talk to Charles. Nandiyan siya sa loob?"

Tumango naman ako.

Inihatid ko pa siya sa loob ng office ni Sir Charles. Nang akma akong lalabas ay tinawag ako ni Mavrik na huwag lumabas at umupo sa katabi niyang upuan.

Pero umiling ako at umupo na lang sa nakaharap na upuan niya.

"Charles, you need to visit Beach View."

Ang tinutukoy nitong Beach View ay isa sa mga branch ng Hotel ng mga Laurent. Laurent Beach View Hotel. Malapit lang iyon sa beach house nila Tito Ash.

Napakunot noo si Charles.

"I'd like to visit there kaya lang magkakaroon ng isang malaking event sa LGH. I saw the papers and I don't believe na bumababa ang kita doon. Everyone loves Beach View. Pangalawa iyon sa may pinakamalaking kita. Pag nagpatuloy iyon ay tiyak na babagsak ang Beach View."

Ang laki na pala ng problema tiyak na may nagnanakaw at nagmamanipula ng mga records ng kita ng hotel.

According kay Kristyna ay ginawa ang Beach View dahil sa si Tita Josephine. She owns the land, nakita nila iyon ng minsan ay nag stay sila sa kanilang Beach house.

"Okay, ako na ang bahala doon." Sabay tumingin sa akin si Charles. "You're coming with me, Miss Villacorta. Magdala ka ng damit good for three days."

"Three days? Are you for real?" si Mavrik

"Yeah, three days at tinitiyak ko sa'yong magbabayad ang lahat ng gumagawa ng katarantaduhang ito. isasama ko rin si Quintin." Isa yung sa mga taga accounting department na pinagkakatiwalaan nito ng lubos.

Tumango lang si Mavrik.

Kaagad naman akong nagtungo sa condo at kumukha ng ilang gamit.

Tinawagan ko na rin si Ate Astrid na hindi kami tuloy dahil pupunta kami sa Beach View. Before lunch time ay kailangang naroon na kami sa Beach View. Tinawagan ni Charles ang kaniyang butler na magdala ng damit para sa kaniya.

Nag helicopter lang kami papunta doon. Apat kami na pumunta. Kasama namin si Lance na panay ang tingin sa akin.

Kasama si Lance dahil siya na ang lawyer ni Charles.

Hindi lang kami nag-uusap dahil maingay.

Si Charles naman ay nakakunot ang noo pero nakatingin sa labas ng bintana.

The Only One I Need (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon