CHAPTER 7

78 4 1
                                        

CHAPTER 7

MAVRIK'S POV

Tumawag sa akin kanina si Kristyna. Sunduin ko daw si Xari – yung secretary ni Charles. Kaibigan pala nila yun. kaya pala mukhang pamilyar pero wala naman akong maalalang Xari Villlacorta na kaibigan ng mga kakambal ko.

Birthday kasi namin ngayon. kung ako lang ang masusunod ay ayaw kong may party pa kasi naman pagod na ako galing sa trabaho. Ang dami kong ginawa ngayon.

Psh. Bibilhan ko na lang ng regalo yung dalawa. May gift shop naman na malapit sa D&S at doon na lang ako bibili ng puwedeng iregalo sa kanila.

Hindi naman kasi mapili yung dalawa at bibilhan ko na rin sila ng bouquet of flowers.

Nag text na rin ako kay Xari na dadaanan ko siya sa D&S.

Hawak ko na ang dalawang bouquet of yellow and pink roses na favorite nina Cassandra at Amerilia ng makita kong parating na si Xari.

"Hi, Xari." Bati ko sa kaniya.

"Hello, Sir Mavrik." Bahagya siyang nag smile sa akin.

Ang ganda talaga nitong si Xarina. I could say that she's really one of my type. Maganda at sexy pa.

"Drop the formalities, Xari. Mavrik na lang."

"Okay." ngumiti naman ng konti si Xarina.

Halatang wala siya sa mood. Bakit naman kaya? Tss. sayang maganda pa naman siya kung nakangiti siya.

Maganda rin yung bughaw niyang mga mata, lalo na kung makikita mo siyang masaya.

Napatingin ako sa likuran at nakita ko si Charles na may kasamang isang magandang babae.

Oh~ sheez... sexy na maganda pa! hindi maarte ang dating pero may something na hindi ko maexplain.

Bahagya kong naipilig ang ulo ko ng mapansing nakatingin din si Xari sa dalawang papalapit sa amin. Damn, she looks so jealous! Type ni Xari si Charles na ubod ng sungit?

Binuksan ko ang pinto ng kotse ko at hinawakan sa braso si Xari.

"Sakay na."

Pero akmang sasakay palang si Xari ng may kamaong tumama sa mukha ko.

Shit! shit! panay ang mura ko sa sakit ng panga ko.

"Saan mo dadalhin ang fiancé ni Charles?!" galit na sabi nung babaeng kasama kanina ni Charles.

Fvck! Who is this woman? How dare she punch my pretty face? Ang sakit napahawak ako sa panga kong sinuntok nito.

"Fvck you! How dare you punch my face? And what are talking about Charles fiancé. Xari is not Charles fiancé!" galit na sabi ko doon sa babae.

I was just drooling on her a while ago at ngayon ay sinapak na niya ako. Buwiset ang babaeng ito. naalala ko tuloy yung walanghiyang si Alta sa lakas ng suntok nito.

"Siya ang fiancé ni Charles and I'm protecting my bestfriend's property."

Nagulat ako sa sinabi nung babae. Nakahawak pa rin ako sa panga ko. Napatingin ako kay Charles na nakatingin lang kay Xari.

Napatingin ako sa kanang kamay ni Xari na may suot ng singsing na katulad ni Charles. Fvck! Bakit hindi ko napansin o naalala man lang. that was the ring na palaging suot ni Charles.

"B-Bestfriend?" si Xarina.

Bestfriend? Isa lang naman ang bestfriend ni Charles. FVCK! SI ALTA NGA ANG BABAENG ITO.

The Only One I Need (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon