CHAPTER 8

79 5 1
                                        

CHAPTER 8

CHARLES POV

Nag drive na ako. kanina pa tanong ng tanong itong si Xarina kung saan kami pupunta.

Simula ng tumuntong sa twenty kami ay palaging wala sa mga birthday party namin ang mga magulang namin dahil nag sasama sama sila sa isang lugar. Tiyak na nasa bahay sila ngayon.

Ipakikilala ko na si Xarina sa mga magulang ko.

Nakangiti pa ako habang nag da drive ng biglang may maalala ako.

FVCK! Hindi ko pa pala natanong kay Xarina kung payag na siyang maging fiancé ko.

Kaagad kong tinigil ang kotse ko sa gilid ng daan.

"B-Bakit?" kanina ko pa napapansin ang pag stutter ng boses ni Xarina.

Tinanggal ko ang seatbelt ko at bahagyang umusog papalapit sa kaniya. Nakita kong nanlaki ang mata niya saka umurong siya papalapit sa pintuan na nasa gilid niya.

Lumapit pa ako lalo sa kaniya hanggang nagkatapat na yung mukha namin.

"C-Charles." Mahinang sabi niya. Naririnig ko ang pagbigat ng kaniyang hininga.

"Hmm..."

Napapikit na lang si Xarina habang naka ekis ang kaniyang mga braso sa kaniyang dibdib.

Napangiti ako sa kaniyang reaksyon. Wala naman akong gagawing masama sa kaniya and I'm now tempted to kiss her sexy and sensuous red lips. Pinipigilan ko lang.

"Xarina." Tawag ko sa kaniya pero hininaan ko lang ang boses ko. binugahan ko pa ng hangin ang kaniyang tenga.

Narinig kong napatili siya ng konti, I couldn't help but to laugh a little.

Kaagad akong lumayo sa kaniya.

Napadilat si Xarina ng marinig ang tawa ko.

"C-Charles... saan ba tayo kasi pupunta?"

"May gusto lang akong tatanungin sa'yo." Bahagya akong lumayo sa kaniya.

Dumilat na siya at umayos ng upo. Tumikhim pa siya at napahawak sa kaniyang dibdib.

"Ano yun?"

"Napag-isipan mo na ba? Can you be my fiancé?"

Bahagya siyang napatungo.

Damn, akala ko kasi okay na. okay fine, kung hindi siya pa rin ready ay maghihintay pa rin ako. nahinatay ko kaya ang pagdating niya sa buhay ko. yun pa kayang hintayin pa siya ng kaunti hindi ko pa magagawa.

Nag-anagat siya ng tingin sa akin saka tumango siya at ngumiti.

Ako na ang pinakamasayang lalake ngayong gabi. Kaagad kong niyakap si Xarina. Kung maaari lang ay yakapin ko na siya habang buhay ay gagawin ko but we need to leave this place at pumunta sa bahay namin.



PARANG ayaw gumalaw ni Xarina ng makitang nasa bahay kami. mukhang alam na niya ang dahilan ng pagpunta namin doon.

Ipapakilala ko na siya kina Mama at Papa. Mabuti na rin at nandito sina Tito at Tita ng makilala din nila si Xarina.

"Charles, parang masyadong maaga pa para makilala ako nila Tita at Tito." Nasa boses ni Xarina ang pag-aalinlangan.

"Xarina, matagal ka na nilang kilala. Ang kaibahan lang ay fiancé na kita ngayon."

Bahagyang napabusangot si Xarina.

The Only One I Need (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon