CHAPTER 9

78 6 1
                                        

CHAPTER 9

Isinama ako ni Charles sa ALU. May sarili naman siyang secretary dito pero isinama pa rin niya ako. ako kasi daw ang inspiration niya.

Kaya lang nakakainis itong secretary niya dito sa ALU. Panay ang titig niya sa mukha ni Charles. Naiinis na ako. sarap pektusan! Paduguin ko kaya ang ilong.

"Miss Severino, stop staring at my face or else I'm going to fire you." banta ni Charles sa kaniyang secretary.

Napaiwas naman ng tingin yung secretary ni Charles sa kaniya.

Natakot na mawalan ng trabaho.

Isa pala sa mga ayaw ni Charles ay ang tinititigan ang mukha niya. pero exempted kaming mga kaibigan niya. ayaw niyang ginagawa iyon ng ibang tao lalo na at kakaiba ang mga titig nila. tulad ng ginawa nung secretary niya dito sa ALU.

Hindi lang ako umiimik at sinusundan ko na lang siya.

"A-ah... Sir Charles, gusto po ninyo ng coffee? Magtitimpla po ako." pa sweet na sabi nung Miss Severino.

Tumigil na nga sa pagtitig, lumandi naman ang boses. Psh.

"Make it two." Sabi ni Charles, saka lumingon siya sa akin. "Xarina, Coffee, tea, softdrink or me?" tapos kinindatan pa ako.

Psh. Isa pa din itong malandi. I rolled my eyes saka umiling. Bahagya kong iniiwas ang tingin ko sa kaniya. kasi naman namumula itong mukha ko. kinikilig ako e.

"Water na lang." sabi ko.

Inirapan lang ako nung malanding secretary. Psh. Tusukin ko yung mata niya.

Nang makarating na kami sa office ni Charles dito sa ALU ay kaagad akong umupo sa couch at tumabi sa akin si Charles at inakbayan ako.

"Tss... PDA. Nasa work po tayo."

"Tss... I don't care."

Kinabig niya ako papalapit sa kaniya. hindi ko mapigilang mapangiti. gusto kasi niya palaging malapit ako sa kaniya. ipinalipat na rin niya pala ang table ko sa loob ng office niya.

Kaya ayun palagi ko na siyang nakikita. Buti nga hindi kami nagkakasawaan sa isa't isa.

Ilang sandali lang ay dumating na yung malanding babae.

"Mahal ko, akin na lang yang coffee please." Paglalambing ko sa kaniya.

Malay ko ba kung nilagyan yan ng gayuma ng malanding babae. nag-iingat lang.

Ibinigay sa akin ni Charles ang kape niya at kinuha niya sa akin ang isang basong tubig ng iinumin ko pa lang ang kape ay nagulat ako ng ibinuga ni Charles ang nainom niyang tubig.

"FVCK!" nabigla ako sa pagsigaw ni Charles.

Naku, ang mukha niya hindi maipinta. Like he's going to kill someone now. Tiningnan niya ng masama yung malading secretary niya.

"S-Sir..." naluluha na yung babae. ano naman kasi ang inilagay niya sa tubig? Balak ba niya akong lasunin?

"YOU'RE FIRED! GET OUT OF MY OFFICE! NOW!"

"Sir Sorry po." Akmang luluhod pa yung babae sa harapan namin pero kaagad na siyang hinawakan ni Charles sa braso niya at pinaayos ito ng tayo at bahagyang itinulak.

"LEAVE!"

Bahagya din akong napatalon dahil sa lakas ng boses ni Charles. Bakit ba nagalit si Charles doon sa malandi? Siguro may inilagay siya doon sa tubig ko.

Kaagad kong ibinigay kay Charles ang panyo ko. pinunasan niya ang labi niya gamit ng panyo ko.

"Nilagyan niya ng maraming asin ang tubig mo." sabi ni Charles.

The Only One I Need (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon