CHAPTER 14
Nang makauwi na kami sa Pilipinas ay kaagad kaming sinalubong ng isang party ulit. isang welcoming party at engagement party para naman sa mga kakilala at kaibigan namin dito. kahit na medyo may jetlag pa kami nina Charles ay napilitan kaming humarap sa mga kakilala namin.
Napansin ko lang na wala sina Tito Manolo sa party. Nandoon naman sina Tita Mathilda at sina Diana.
Nakangiti akong sinalubong ni Ate Rica. Kaagad naman akong yumakap sa kaniya.
"Oh my, I was surprised when I heard about you and Charles. ang suwerte mo naman." Nakangiting sabi sa akin ni Ate Rica pero parang hindi bukal sa kaniyang loob ang kaniyang sinasabi. Bahagya kasi siyang umiiwas ng tingin pagkatapos niyang sabihin iyon.
"Yeah, ang suwerte ko sa kaniya. He's the sweetest man I've ever meet. I'm really luck to have him as my future husband." Binaliwala ko na lang yung nakita ko kanina.
"Oh really? Damn, sana magkaroon din ako ng Charles Laurent." nakangiti siya pero nandoon na naman yung paiwas niyang tingin.
"Oh, I heard Ate Rica cussed! I swear I heard it." Maaarteng sabi ni Diana. Nag roll naman ng mata si Sheena.
"Oh, not the first time I heard it. Narinig ko na kaya siyang tinawag akong 'bitch' when I bumped her BMW last year."
Narinig ko na ring nabangga iyon ni Sheena pero ang murahin siya ni Ate Rica? Grabe kaya sa pagiging mabait itong si Ate Rica at totoo ang sinabi ni Diana ngayon lang naming nag mura. Siya yung taong sobrang bait na patatawarin ka kahit anong kasalanan mo sa kaniya.
"I w-was just furious that time, Sheena." Nakangiti siya ng bahagya. "Lahat naman ng tao nagagalit."
Napatango na lamang kaming tatlo. Tama naman siya. kahit ako nagagalit din. Wala namang taong perfect.
"Well, pinakilala mo sa akin yung poging friend mo right? Si Jessie – ano nga ang apilyedo nun nakalimutan ko eh." Pangungulit ni Diana kay Ate Rica. Bahagyang namutla si Ate Rica sa itinanong ni Diana.
Ano naman kaya ang meron sa kinukuwento nitong si Jessie at ganoon na lang ang reaksyon ni Ate?
"A-ah... si Jess. Jessie Javier yun."
"No! hindi yan yung apilyedo niya parang nagsisimula sa letter E--." Kaagad ng tinakpan ni Ate Rica ang bibig ni Diana.
"OMG! Is he your secret boyfriend kaya bawal i-chika? Okay I'm going to zip my mouth too. You do that Diana."sabi naman ni Sheena. Tumango na lang si Diana. Inis na inalis naman ni Ate ang kamay niya sa bibig ni Diana.
Nagulat ako ng biglang tumahimik silang tatlo. Nakahawak sila sa braso ng isa't isa na parang kinikilig na ewan. Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko na paparating sina Charles, Lance, Lander, Gabriel, Elric at Andrew.
"Hi girls!" nakangiting sabi nina Lander at Gabriel. Nag 'Hello' naman silang tatlo sa kanila. psh. masyado kasing babaero itong sina Lander at Gabriel.
"Hello sa inyo mga Kuya." Bati ko sa kanila. Kuya naman talaga sila Kuya Gabriel at ang iba pa. kasi mas matanda sila sa amin ng pitong taon.
"Ouch! Sumakit ang tuhod ko." umaarteng hinawakan ni Lander ang kaniyang tuhod at likod. Natawa na lang ako sa ginawa ni Lander. Tiyak na kung narinig yun kanina nila Martha at Yasmine ay tiyak na puro kantiyaw ang inabot ng dalawa sa kanilang mga kapatid.
"Tss. Halika dito, Love." nakangiting sabi ni Charles. kaagad naman akong yumakap sa kaniya.
"Aish! Pare hindi talaga ito si Charles! nakangiti? Saka love?" hindi makapaniwalang sabi ni Gabriel.
BINABASA MO ANG
The Only One I Need (On-going)
Aktuelle LiteraturXarina Vergara, the heiress of Xavier Vergara. gorgeous, talented at matalino. everyone thinks that she got everything - a loving and rich family. Hindi nila nakikita na sa likod ng lahat ng meron siya ay may mga bagay na wala sa kaniya. She's livin...
