Di ako kumikibo, baka sakaling ayaw mo.
Di kita kinakausap, sa takot na ikabingi mo.
Di kita hinahawakan, baka itapon palayo.
Di ako masaya, baka sakaling yun ang gusto mo.Kung alam mo lang sana.
Di kita tinitignan, baka ikaw ay mailang.
Di ako humihingi ng tawad, baka balewalain lang.
Di ako dumadaan sa harap mo, baka ibaling ang tingin.
Di ako nagdadrama, baka masaktan pa ang damdamin.Kung alam mo lang sana.
Di kita kinukulbit, baka kumati ang likod.
Di ako gumagalaw, baka sumikip ang poot.
Di ako umuupo, laan sayo ang upuan.
Di ako tumatayo, baka maharangan ang iyong daan.Kung alam mo lang sana.
Di ako ngingiti, baka ayaw maging masaya.
Di ako sasama sa kanya, baka masaktan ka.
Di kita susuntukin, baka bisig ay mamula.
Di kita sisipain, baka lumakad ah di makaya.Kung alam mo lang sana.
Di kita babanggain, baka puso ay madali.
Di kita tatapirin, baka madapa at sugatin.
Di kita tatawanan, baka masaktan ang damdamin.
Di kita pababayaan, ano man ang mangyari.Kung alam mo lang sana.
Lahat ay gagawin ko para sayo
Di ko gagawin ang ganyan, ganto
Basta ang kapalit ay kasiyahan mo
Haharapin ang lahat ng hirap na matatamoKung alam mo lang sana.
Patawad mo ay aking minimithi
Di pa ba sapat ang mga gawi?
Nais ko lang namang matanggap ang sukli
Sa labis labis na bayad na ibinigay ko sa may ari.Kung alam mo lang sana.
Iyo ngang sagot ay aking narinig
Ito ay dumurog sa aking pusong nananalig
"Patawad mo'y di mo makakamit."
Kasiyaha'y nawala at napaltan ng pait.Kung alam mo lang sana.