45

369 8 0
                                    


Levi's POV

Hindi nag-oonline si Angel. Sabi ko sa sarili ko mag-sosorry na ako sa kanya kapag nag-online na siya. I logged-out. Hindi naman siya online tapos message ng message sa akin yung mga babae sa school ko. Ginugulo lang nila ako.

Tiningnan ko yung web niya. Yung blackangel.com. May bago siyang drawings, ang cool. Mala-manga kasi 'yung pagkakadrawing niya eh mahilig ako sa manga. Dalawa yung bago niyang drawing.

Yung isa babaeng nakahiga sa kama niya. Ang caption nung drawing ay "Tired of doing nothing. I want to be free. I want to observe what's happening in the world."

Yung isa naman naka-wheelchair na babae na nakatingin sa bintana ng kwarto niya. Ang caption ay "Useless observing."

Sa mga caption niya natandaan ko si Gelly. Sabi kasi sa akin ni Gelly "Be observant." Puro observe kasi 'yung nakikita ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napatingin sa bintana ng kwarto ko.

Napa-isip ako.

Observe...

Babaeng nakahiga sa kama niya tapos babaeng naka-wheel chair. Babaeng hindi makalabas sa kwarto niya. Babaeng hindi ma-explore ang mundo. Pwedeng si Gelly 'yun ah! Kasi may sakit siya. Hindi siya pwedeng lumabas ng ospital. Hindi niya pwedeng i-explore ang mundo.

Pero bakit naman iddrawing ni Angel ang mga ganong bagay?

Nag-flash sa utak ko ang mukha ni Angel at Gelly.. Parang magkamukha sila... Sa isip ko tinry kong tanggalin yung salamin ni Angel, gawing black yung buhok at tanggalin yung taling niya sa baba.

SHET!

Kung hindi ako nagkakamali...

Si Angel at Gelly ay iisa! Oo nga! May posibilidad na iisa sila. Dinradrwaing ni Angel ang sarili niya.

Bakit ang tanga ko?

Kaya pala pamilyar ang mukha ni Gelly sa akin, kasi nakikita ko na siya sa school ko dati. Kamukha niya kasi si Angeline or Angel. Kasi siya si Angel! Kaya pala.

Kaya pala feeling ko nag-uusap na kami ni Gelly kasi nagchachat na pala kami ng hindi ko alam na siya na pala yung ka-chat ko. Kasi naman nag-iba yung mukha niya. Namuti pa siya. Siguro dahil sa sakit niya. Siguro nga.

May bagong drawing ulit si Angel. Kakapost lang niya. Na-iimagine ko siya na nagddrawing sa loob ng room 143 sa ospital.

Sa pinost niyang drawing na 'yon, sure na talaga ako na si Gelly at Angel ay iisa. Ang dinrawing niya kasi ay babae na may suot na t-shirt na ang nakasulat sa t-shirt ay "Be Observant."

Dali-dali ulit akong nag-online sa facebook para ma-chat siya. Para mag-sorry, para sabihin na gets ko na ang lahat.

Kaso pagkabukas ko ng messanger.. May nakita akong hindi ko inaasahan.. Hindi ko alam kung bakit biglang parang hinugot 'yung puso ko sa nabasa ko.



Si Penelope, yung ex ko. Nag-message.


8:21pm

Penelope: Hi. I miss you. Sorry. I still love you.



A Chat with an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon