36

424 13 0
                                    

Levi's POV

Sunday.  Tatambay lang sana ako sa bahay ngayon kaso isinama ako ni Mom and Dad magsimba at pagkatapos daw doon ay magvovolunteer daw ulit ako sa hospital na pinagtatrabuhan niya. Hays.

Pumayag ako kasi may part na gusto ko din. Kaya nga nagbibihis na ako ngayon eh.

Pagkatapos umattend ng misa, kumain muna kami ni Mom at Dad sa isang mamahaling restaurant then umalis na si Dad at sumama ako kay Mom.

Dumating kami sa hospital. Ngayong araw na ito ako lang ang nag-volunteer kasi ang sunday ay hindi volunteer day. Nakapagsuot pa rin ako ng volunteer uniform kahit na hindi pwede kasi my Mom is a doctor here.

Wala akong lilinisin kasi may mga janitor ngayon. Hindi din ako makakapagroom-to-room para itanong sa bawat rooms kung may kailangan ba sila. Yung mga bata kasama mga parents nila.

"Ma, wala ata akong gagawin." sabi ko kay Mom

"Meron. Assistant kita ngayon, okay?" sabi ni Mom

"Okay."


Binibisita ni Mom yung mga pasyente niya. Tinanong niya kung kamusta na ang pakiramdam. Ichecheck-up. Bibigyan ng advice at sinasabi kung kailan na makakauwi. Ako naman? Tagabigay lang basket ng prutas. May dala akong parang cart na iniiwan sa labas ng room. Tapos magdadala ng isang basket sa loob.

Ganoon kasi si mom. Every Sunday may ibinibigay siya na something. Isinama na niya ako nung bata ako dito eh.

"Last na 'to. Tapos pwede ka ng umuwi." sabi sa akin ni Mom

Nasa dulo na ulit kami. Yung room 143. Yung may babaeng tulog. Tanda ko 'to. May iba kasi akong nararamdaman kapag nasa loob ako ng room. Tyaka sa totoo lang, chicks talaga yung pasyente dito.

Sinilip muna ni Mom "Gising siya." tapos kumatok siya.

"Pasok." sabi nung babae

"Ahhh... D..doktora Reyes. Ikaw po pala." hindi ko alam kung ganoon talaga siya magsalita dahil sa sakit niya or nauutal siya.

"Ow. Gelly my dear. How are you feeling?"

"Ano..ahh. ayos lang naman po." sagot niya

"This is my son."

"Hi. Prutas nga pala." bati ko sabay patong nung prutas sa table

Chineck ni Mom yung heartbeat niya at sugar. Hindi ko sure kung ayun nga. Wala kasi akong alam sa mga ganyan. Ang advice lang ng nanay ko sa kanya ay kainin yung prutas na nakahanda sa lamesa.

"I know naman na Ate mo lang ay nagccare sayo." sabi pa ni Mom

Tumingin siya sa akin. At nung nakita niya na nakatingin ako umiwas ako.

"Uhhhmmm...." sabi ko. Gusto ko sanang itanong kung kinain niya ba yung saging kahapon.

"Yes, Vi? May sasabihin ka?" si Mom

"Nakita mo ba yung saging na pinatong ko dito kahapon?" tanong ko kay Gelly

"yeah" mahina niyang sabi at halos pabulong na

Good to know.

"Osige. Gelly maiwan ka na namin. Take care."

"Take care, Gelly." sabi ko

Tumango lang siya at nag-smile. I smile back.


A Chat with an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon