20

423 12 0
                                    

Levi's POV

Nagising ako dahil sa malakas pero mahinahong sigaw sa may pinto ko.

"Anak, gising na. Ready na ang breakfast."

Breakfast? Wait si mom ba yun? We? Hindi ako naniniwala. Baka naman guni-guni lang yung ng tainga ko. Kailangan ko na atang mag-cotton buds.

Pipikit ko sana ulit yung mata ko kaso biglang nagsalita ulit yung nasa may pinto..

"Sweety baka tulog pa si Levi. Tayo muna ang kumain."

Teka.... Si dad ba yun? O lalaki ni mom? Tinawag ni dad si mom na sweety? O baka yung babae, kabet ni dad? Tell me, what's happening?

"Anak, pag-gising ka na baba ka na ha. Breakfast is ready. Ako nagluto."

Si mom nga talaga yun. Eh sino yung lalaki? Si dad ba yun? O bagong syota ni mom? Bababa ba ako? Wag na baka mainis lang ako kapag nakita yung mga bago nilang hunky at chickababes. Eh paano kung si mom at dad ngayon? AYY NAKO! MAKABABA NA NGA LANG!

Nung pagkarating ko sa dining area namin..........

"Oh? Anak. Kanina ka pa naming tinatawag. Upo ka na."

"Mom mo nagluto niyan."

Somebody tell me, what's happening.

"Okay na kami ng mom mo. Promise naming dalawa sa iyo. Hindi na kami mag-aaway." sabi sa akin ni Dad

"It's a miracle." sabi ko

"Miracles do happen baby, ika nga." sabi ni mom

Sa sobrang saya ko kinuha ko ang cellphone ko at nag-online sa facebook at nagpost ng napakagandang status.

I believe in miracle. It's happening now. Mom and Dad, i love you so much. I'm happy you two are back. I hope you'll keep my promise to me.

about a minute ago

At ang unang nag-like....

Angel Reyes likes your status.

Nag-oonline pala siya tuwing maga. Akala ko tuwing gabi lang..


A Chat with an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon