46

389 11 0
                                    


7:54pm

Levi: Angel, I'm sorry.

Angeline: K.

7:55pm


Levi: Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Seen 7:56pm


Levi: Kilala na kita.

Seen 7:57pm


Levi: Kaggabi pa dapat kita imemessage kaso, may nagmessage sa akin kagabi.

Levi: Hindi ko inaasahan na magmemessage siya.

Seen 7:58pm


Levi: Nababaliw na ata ako.

Angeline: Sino ba 'yun?


Levi: Ex ko.

Seen 7:59pm


Levi is typing.....

Levi: Sabi niya kasi sa akin miss na daw niya ako at mahal niya pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung mahal ko pa ba siya o nalulungkot lang ako kapag iniisip ko 'yung masasayang naming alaala. Alam mo bang siya ang dahilan kung bakit ako naging suplado? Siya ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ko. Ewan ko, nababaliw na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

8:03pm


Angeline: Nag-reply ka ba sa sinabi niya?

Levi: Hindi

Angeline: Bakit?

Levi: Hindi ko alam ang sasabihin ko kasi nga nalilito ako.

Angeline: Bakit mo sa akin sinasabi 'to?

Levi: Ikaw lang ang naisip ko na sabihan.


Angeline is typing.....

Angeline: Knowing na may nararamdaman ako para sayo? Sa akin mo sinasabi na 'to kahit na alam mo na may gusto ako sa'yo? Hindi mo manlang na-consider yung nararamdaman ko at karamdaman ko ngayon? Levi, may sakit ako sa puso. Tapos sinasaktan mo pa 'yung puso ko.

Seen 8:07pm


Angeline is typing.....

Angeline: Kakapalan ko na 'yung mukha ko, ha. Levi, gusto talaga kita. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko na alam kung ano 'tong nararamdaman ko. Hindi ko na alam ang lahat. Lumalala ng lumalala. Hindi ko kayang magalit sa'yo kahit gusto ko. Kapag binibisita mo ako sa ospital, ang saya-saya ko. Hindi ako sure kung mahal na ba kita. Hindi ko alam. Natatakot ako. Tapos ayan, sinasabi mo sa akin na mahal mo pa ata 'yung ex mo. Katulad mo, hindi ko na din alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa 'yung nararamdaman ko para sa'yo.

8:10pm


Levi: Angel....


Angeline is typing.....

Angeline: Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako magtatagal. Baka mamaya, wala na ako sa mundo. Baka bukas, hindi ko na masilayan ang lahat. Kaya sinabi ko na sa'yo. Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ito...

A Chat with an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon