19

428 14 0
                                    

Levi's POV

Hindi ko akalain.....

Hindi ko akalain na sasaya ulit ako... After 894365963265years!

Hindi ko akalain na mangyayari lahat ng ito.

Hindi ko akalaing mararamdaman ko ulit yung ganito.

Yung masaya. Ay mali pala. Sobrang saya! Ay hindi pala, SUPER DUPER SAYA TODA MAX!

Nagkaroon ako ng kaibigan, si Mark at Ram.

Nagkaroon ako ng girlfriend, kahapon lang, si Venus. Super duper saya ko talaga to the maxxxxxx.

Laking pasasalamat ko talaga kay Angel na ka-chat ko lang palagi. Hindi ko nga din na magkakaroon ako ng kaibigang hindi ko manlang nakikita in person. Sabi niya kailangan ko na daw siyang iwasan pero hindi yun pwede para sa akin.

Kaibigan ko siya. Siguro naman maiintindihan yun ng girlfriend ko. Tiyaka hindi naman niya ako mahuhuli kung hindi naman ako papahuli. Tyaka mahal ko kaya girlfriend ko. Hehe

Hindi ko nga akalaing magmamahal ako ng ganito.

Nagulat kasi ako nung nagtapat sa akin si Venus. Medyo may lihim na pagtingin na talaga ako sa kanya noon. Pati doon sa palagi niyang kasama noon na hindi ko na nakikita ngayon. Lumipat na ata ng school. Ang ganda din noon. Minsan ko lang siya nakikita pero gandang-ganda na ako sa kanya. May taling sa left side ng baba, red ang buhok tapos naka-eyeglasses siya madalas. Morenang-morena pa yung kulay.

Bakit ko ba hinahanap 'yoon? Eh may girlfriend ako. HAHAHAHA

Tapos ayun sinabi ko kay Mark at Ram na medyo nagugustuhan ko si Venus. Pinush nila ako. Kaya ayun. Na-fall rin ako. Ang ganda kasi niya tapos super duper bait pa. Para siyang anghel.


Ang dami ko ring natutunan kay Mark at Ram. Kahit na puro kabaliwa, may ibang part pa rin na lessons talaga. Gawa nung mga kabaliwan niloang words of wisdom.

Litsi. Nagmahal ulit ako. Nagmahal na kasi ako dati kaso ayun nawala siya.....

Kaya palagi akong malungkot.... Bukod sa family problems sa love problems din. Nawala yung taong mahal ko.... Yan ha shinare ko na!

Alam yun ni Mark at Ram na-ikwento ko na sa kanila.

Hindi ko akalaing magiging open ako. Grabe dati palagi kong kinikimkim lahat, ngayon, sinasabog ko na.

Bumabalik na rin yung kakulitan ko noon. Ang sarap sa feeling...


Na-miss ko yung ganito... Naalala ko tuloy yung masasayang alaala.

*******


Nag-open muna ako ng facebook.

At may notifications na naman. Araw-araw naman.

Tiningnan ko yung messages.. Walang message si Angel. Pero nakita ko na online siya. Tatlong linggo na kaming hindi nagchachat. Hala ewan! Hindi ko alam kung naapektuhan ba ako o nasanay lang.


Ni-like pa nga niya yung dp ko. Yung kaming dalawa ni Venus. Mukhang iniiwasan niya talaga ako. Hindi tuloy ako sanay. 3linggo mahigit na kaming nagchachat eh.

Pagbukas ko lagi ng facebook ko may message niya. Hindi tuloy ako sanay.

Scroll scroll lang ako sa facebook tapos nanood ng isang movie at matutulog na ako.

Ang saya saya ko na talaga.

Feeling ko pa nga may magandang mangyayari bukas. ^-^




A Chat with an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon