47

347 9 1
                                    


Angeline's POV


Naggising ako na wala siya sa tabi ko.


Kinabahan ako bigla.


Nasaan na siya?


Iniwan na ba niya ako?


Kinuha ko agad ang cellphone ko at tiningnan ang messenger ko.


May message siya..


8:00am

Levi: Umalis muna ako. Kukuha lang ako ng gamit at tyaka ibibili kitang pagkain. Hindi na kita ginising, ayokong maabala kita sa pagtulog mo. Mabilis lang ako. Babalik din ako kaagad. I love you.


Nag-reply ako sa message niya.


Angeline: Ingat. I love you too.

Seen 9:30am


Kinikilig ako. 9:30 na pala, for sure pabalik na 'yun. Siguro kaya hindi nag-reply 'yun kasi malapit na siya dito.


Ayan na nga. May kumatok na sa pintuan ko.

"Pasok." sabi ko.

Ineexpect ko na siya ang makikita ko.

Pero hindi eh.

"Anak..." sabi ng babae na nasa harapan ko.



*******



Levi's POV

Bumili ako ng prutas para sa kanya. Bumili na rin ako breakfast meal sa Jollibee. Bumili rin ako ng isang boquet ng bulaklak. Kumuha na rin ako ng gamit sa bahay. Mga damit at kung ano-ano pa.


Nag-message siya. Sa wakas! Naggising na siya. Sakto kasi pabalik na ako.

Angeline: Ingat. I love you too.

Seen 9:30am


Sabi ko mabilis lang ako. Inabot ako ng 1hour mahigit. Traffic kasi tapos ang haba ng pila sa Jollibee.

Nasa ospital na ako. Papunta na ako sa room niya.

Hindi na ako kumatok kasi alam na naman niya na ako lang ang papasok sa kwarto niya.


Kaso...


Nagulat ako sa nakita ko....


Pinikit-mulat ko pa ang mga mata ko...


Totoo ba itong nakikita ko?


Chineck ko pa kung nasa tamang kwarto ba ako.


Walang tao sa loob ng Room 143.


Tinanong ko ang mga nurse. Sabi daw nakaalis na daw 'yung tao doon. Kinaon na daw ng mga magulang niya.

Akala ko ba malubha ang karamdaman niya. Bakit siya aalis?

Tinawagan ko ang mom ko at tinanong kung ano na bang nangyari sa karamdaman ni Angel. Sabi niya, okay na naman daw siya. Pwede na daw siyang lumabas, kailangan lang daw niyang magpacheck-up every month. Tinanong ko kung saan siya pupunta? Anong address niya.

Binigay naman ni mom yung address niya sa akin. Naligaw pa nga ako. Kaso pagdating ko doon sa bahay nila, sabi nung guard sa akin, magbabakasyon daw 'yung may-ari ng bahay. Wala daw tao sa bahay. Kaalis lang. Tinanong ko kung saan magbabakasyon. Sa ibang bansa daw. Tinanong ko kung saang airport at kung saang bansa pupunta. Buti na lang alam nung guard kung saang airport. Sa Japan daw ang punta nila.

Iniwan ko yung prutas at pagkain kay manong guard. Kailangan ko siyang puntahan sa airport. Sana maabutan ko pa.

Nung makapunta na ako sa airport, para akong nawawalang bata na naghahanap ng kaniyang magulang. Ang pinagkaiba lang hindi na ako bata at si Angel ang hinahanap ko. Kaso wala eh hindi ko makita.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bumili na lang akong ticket papuntang Japan, buti na lang dala ko yung ATM Card ko. Buti na lang dala ko 'yung buhay ko. May mga gamit naman akong dala eh. Sakto nga.

Pagkasakay ko sa eroplano, wala akong Angel na nakita. Baka doon siya sa isang eroplano nakasakay.

Sabay naman siguro ang departure nito.

Gusto ko sanang matulog pero hindi ko maggawa. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa.

Pagdating ko sa Japan..

Tumingin ako sa palagid..

Wala si Angel, kahit saan ako tumingin.. Nagtanong pa ako sa mga tao. Sa guard. Buti na lang nakakaintindi sila ng English. Sabi nung guard may nakita daw siyang babae na katulad na katulad nung sinabi ko may kasama daw na dalawang babae at isang lalaki. Sumakay daw ulit ng eroplano, hindi daw niya alam kung saan pupunta.

Hanggang dito na lang ba ako?

Sobrang nanlulumo na ako. Imemessage ko sana siya kaso na-lowbat na yung phone ko. Pagkanga-naman minamalas ka oh.


Nasaan ka Angel?

Saan ka ba pupunta? Bakit hindi ka manlang nagpaalam?

Bumili na lang akong tickets pabalik ng Pinas. Buti na lang abot pa ako sa flight na papaalis na.

!���n'k<>

Natutulala na ako. Naiiyak na ako. Nasayang ang binili kong bulaklak para sa kanya.


A Chat with an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon