54

310 5 0
                                    


Levi's POV


1:03am.

Hindi talaga ako masyadong makatulog kasi hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit ganito 'yung kaba na nararamdaman ko. May nararamdaman akong hindi ko maintindihan.

Inayos ko na ang mga gamit ko at naligo ng tahimik at mabilisan. Ayoko manggising ng tao. Ayokong magising si Angel. Ayoko na makita niya na aalis ako...


Aalis na ako...


Bago ako umalis ng bahay nila. Nagsulat muna ako sa isang maliit na papel.


Alis na ko, ha. Ichachat na lang kita mamaya. Maging matatag ka.

-Levi


Hindi ko alam kung bakit ko naisulat 'yung huling mga salitang iyon. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon. Iniwan ko lang sa sofa yung papel at pinatungan ko ng ballpen para hindi malipad.

Umalis na ako sa bahay.


Pinaaga ko ang alis ko. Hindi ko alam kung bakit. Feeling ko lang kailangan kong paagahin. Basta naguguluhan talaga ako ngayon. Hindi ako makangiti ng ayos. Hindi ako makapagsalita ng ayos.

Pagdating ko sa airport. Ginawa ko lang ang mga dapat gawin at sumakay na ng eroplano.

Bigla akong inantok. Mabuti namana at inantok ako. Kagabi pa ako hindi makatulog ng ayos.

Pero bago ako matulog, ichachat ko muna si Angel.



Levi: Good morning! Kain ka ng marami, ha. Nakasakay na ako sa eroplano. Nakita mo ba 'yung note na iniwan ko sa sofa?

Levi: Sa totoo lang, may kakaiba akong nararamdaman ngayon kaya medyo tahimik ako nung kasama mo ako. Basta kahit anong mangyari, maging matatag ka.

Levi: Huwag kang iiyak. Sabi mo hindi ka iiyak, diba? I love you.

1:45am



Natulog na ako. Malapit ng lumipad ang eroplano.



*********



"What's happening?"

"Sorry sir. You need to protect yourself....".

"What?"



Naggising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Nagkakagulo ang mga tao. Hindi ko alam kung bakit.


Nalaman ko na lang nung may nag salita sa microphone.


Ito na siguro yung kinakakaba ko.

Ito na siguro yung magulong nararamdaman ko.



Totoo pala talaga na kapag malapit na ang oras mo, mararamdaman mo na.




Nawalan ng control ang eroplano. Babagsak na ito.



A Chat with an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon