35

416 12 0
                                    

Levi's POV

Sabado ngayon. May tagpuan kami ni Josh. Tutulong kami sa hospital ngayon. Tuwang-tuwa si Mom sa akin nung malaman na galing akong hospital kahapon after school.

Madalas pala si Josh sa hospital. Volunteer siya. Dinadalhan niya ng dinner yung bawat rooms. Nag-aassist siya ng mga bata na iihi o kaya mga matatanda.

Ngayon naman daw. Kailangan naming dalhin sa playground ng hospital yung mga bata.

Sabado kasi. Play time nila.

Nung makarating na kami sa hospital. Pinasuot sa amin yung parang uniforms ng mga nagvovolunteer. Pero kami lang ata yung nag-volunteer ngayon.

"Magsarili ka. Magsasarili ako." sabi sa akin ni Josh

Ang pangit nga namang tingnan kung nakabuntot ako sa kanya. Kaya naisipan kong magdala na lang ng saging sa bawat rooms.

Bago ako kumatok sa bawat room, sinisilip ko muna kung gising na ba yung tao. Halos lahat naman ng rooms may taong gising. Except sa last room.

Nung sumilip ako. Mag-isa lang siya at natutulog. Kumatok ako para icheck kung magigising siya kaso walang epekto.

Kaya pumasok na lang ako. Buti na lang may papel at ballpen ang mga volunteers. Masusulatan ko siya para mabasa niya paggising niya.

Pero anong sasabihin ko? Pinagmasdan ko yung babae. Maganda siya at peaceful siyang tingnan. Familiar yung mukha niya. Hindi ko alam kung nakita ko na ba siya or may kamukha lang siya.


Saging para sa magandang babae nagbabasa nito. Good morning, miss. ayan yung sinulat ko at pinatungan ng isang saging.

Pagkatapos ay pumunta ako sa playground at nakipaglaro sa mga batang nakatira sa hospital kasama ang bestfriend kong si Josh.

Mabilis nangyari ang mga pangyayari. Masaya ako sa lahat nang nangyari.

***********

Angel's POV

Pagmulat ng aking mata sa orasan agad ako tumingin. 4:12pm. Maaga pa. Mamaya pa ang dating ni Ate.

Kukuha sana ako ng isang mansanas. Kaso wala na. Wala na ding ubas. Pero may saging.

At may papel sa ilalim ng saging.

Saging para sa magandang babae nagbabasa nito. Good morning, miss. ang nakalagay sa papel.

Hindi ako mahilig sa saging. Pero dahil dun sa papel kinain ko.



A Chat with an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon