Chapter 5

9 1 0
                                    

TONY'S POV

"Ah wait Korine. May requirements ba tayong ipapasa sa pasukan?" actually, I enjoy chatting with her in a quiet manner.

Yung walang sigawan, badwords, simangot mula sakanya. Parang yung dating Korine na masiyahin lang.

Masiyahin parin naman siya pero mahahalata mo sa mga mata nya na may something.

"Ah yes oo pala. Buti nagtanong ka. We are groupmates nga pala sa Big book making and you need to bring these. Wait lang I'll look for the list." ano kayang itsura nya pag may hinahanap?

"Sige I can wait."

"Are you sure this time?" tanong nya sakin. Anong connect?

"What do you mean?" diba kanta yan ni Bieber? Oo alam ko corny. Pero aminin nyo. Napakanta din lang kayo.

"Is it too late now to say sorry? Joke. Sorry wala joke lang. Eto nga pala yung dadalhin mo. Picture ang isesend ko. Problema mo na kung hindi mo mabuksan sa sobrang bagal ng internet nyo. Just don't forget to bring it okay?" para sayo hinding hindi ko kakalimutan.

Sinend nya kung ano yung mga dadalhin ko. Di naman siguro ako mayaman. Ang dami kong bibilhin. Tapos siya gunting lang. Badtrip!

"Yup. Is that all? Baka may gusto ka pang idagdag?"

"Wala na. Wag ka ngang magreklamo! Ako na nga ang gagawa ng lahat eh! Mageeffort na ako this time don't worry. Sige bye Tony. See yah. "

Effort? Hanggang salita ka lang naman. Gawin mo man ang lahat, mapapagod ka pa rin.

"See you too. Bye. 😊"

Sa wakas. Finally! Buti tapos na.

Di ko talaga kayang makipagusap ng matagal sakanya. Alam nyo kung bakit? Syempre secret muna. Saka nalang ako magkukwento kapag triangle na ang earth.

📖

May pasok na ngayon, and really tinatamad ako. And natatakot somehow. Ewan, para kasing may mangyayari.

Paano kung may nagpatiwakal pala sa school at dun pa sa tapat ng room namin?

Paano kung mabangga yung security guard namin at ako ang witness?

Shems ano ba tong iniisip ko. Praning!

"Hijo, tumawag ang mama mo kagabi sabi niya oovoo daw kayo later mga alas singko."

"Ah sige po mommy. Sige punta na po ako bye." humalik ako kay lola. Mommy tawag ko sakanya, mama naman sa nanay ko.

Dumeretso na ako sa sakayan ng jeep. Mukhang late nanaman ako ngayon.

Ako yung tipo ng matalino na tahimik sa klase pero maingay kapag kasama ang barkada. Hindi lang naman ako puro pag-aaral at pagbabasa ng libro. Magrereview nga lang ako tuwing may tests and exams eh.

Nakikisleep over din ako. At bukas dun ako kila Brix matutulog kasama namin si Josh. Gagawa kami ng props para sa activity namin sa school. Yung mga pinadala sakin ni Korine, wala na akong pake kaya na nya yun.

Natapos ang araw na wala kaming ginawa. Meron naman pero basic!

"Tol alam mo naman kung saan ang bahay namin diba? Problema mo na kung matutulog ka sa labas sa sobrang tagal mong dumating. Sige una nako." seryosong sabi ni Brix. Di ako malelate promise.

Umuwi  nalang ako agad kasi syempre ayoko namang matulog sa labas. Di tuloy ako nakasama kina Von maglaro.

📖

"Brix! Josh! Nandito na ako! Di pa ako late! Pabukas ng gate mga tol!" sigaw ko sakanila. Kanina pa ako nagdo-doorbell pero walang lumalabas. "Wag nyo akong pagtripan! Nasa akin yung cartolina!"

"Oo tol! Nandito na sandali lang." sigaw ni Josh na tumatawa. Si Brix naman nasa gilid lang pala ng gate nagpipigil ng tawa. Badtrip.

"Bwisit kayo."

Dumiretso ng bahay nilang pinamamahayan din ng mga aso.

"RTee! Asan ka? Tooo! Come here RTee. May isaw ako!" tawag ko sa favorite kong aso nila Brix. Isa siyang babaeng Retriever.

"Tara na nga, kaka-kain lang niyan eh! Ang dami nating gagawin. Maaga pa tayo bukas." sabi ni Josh kaya iniwan ko nalang si RTee.

📖

"Hoy bagal nyo. 6:45 na. Late na tayo! Tara na dali!" at dahil sa sigaw ni Brix napatayo ako agad. Mukhang seryoso siya. Ayaw pa naman niyang nalelate.

Maglalakad pa kami papunta sa sakayan ng jeep kasi walang tricycle at wala din namang sasakyan sina Brix. Okay lang. Sanay naman akong napapagod eh.

"Hahahahaha manyakis ka talaga Tony!" pagkatapos sumigaw ni Josh tumigil nanaman ang mundo ko.

Pero dumiretso parin ako ng lakad, syempre wala naman akong pake dun.

📖

"Von! Luis! Hahahaha may kwento ako sa inyo." bungad ni Brix sakanila. Mapapasabak nanaman ako ng asar.

"Putang ina Brix." banta ko sakanya pero hindi nagpapatinag ang loko.

"Bakit? Si Korine yan no! Kaya ka siguro badtrip. Hmm, let me guess. Tumigil nanaman ba ang mundo mo?"

"Tsss. Ewan ko sa inyo mga baliw." umalis nalang ako pero dun pa rin sa maririnig ko ang chismisan nila. Parang mga babae ang hilig sa chismis. Nakakairita.

"Hahahaha bitter! Ganito kasi tol, hahahaha diba nagsleepover sila ni Josh hahahaha samin kagabi? Hahahaha alam mo ba? Hahahaha kasi-"

"Hoy ako na nga magkwento. Walang kwenta." singit ni Josh. Nauna pa kasi yung tawa kesa sa kwento, ang corny corny naman.

"Ako nga kasi magkwento! Epal Josh ako sabi eh!" sabi ni Brix. Nagtutulakan na silang dalawa.

"Tangina nyo talaga! Tangina!" sigaw ko, buti nalang tumigil.

👓📚

Taming Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon