Chapter 3

17 1 0
                                        

TONY'S POV

Ano bang pinagsasabi kong beautiful beautiful! I'm getting crazy about her again. I mean just crazy! Ugh shit, whatever nevermind.

"Hoy Tony wala ka bang balak umuwi? Ano tititigan mo nalang si Korine diyan? Tunaw na tol!" sigaw sakin ni Von.

"Tinititigan ko ba kasi siya? Ayun oh si Luis umiiyak!" ay oo nga no. Si Luis umiiyak? "Tara tara! Magspy tayo." dugtong ko pa para mawala sa isip nila si Korine.

Hindi ko kasi siya tinititigan kanina! Si Luis talaga tinitignan ko hindi lang halata. Umiiyak tropa namin. Baka dahil dun sa girlfriend niyang hindi ko malaman kung seryoso talaga sakanya.

Nasasaktan din kami kaya obviously, loyal talaga kami. Ako sure ako sa sarili ko na loyal ako sa magiging girlfriend ko. Yung tipong, gusto ko siya na ang first and last ko. Madrama? Oo basta hindi ako bading.

"I'm tired Luis. Why can't you just accept the fact that I don't like you anymore? Or to make it clear, I just liked you. I never loved you. I just used you cause you're so stupid enough not to know I have lots of boyfriends other than you. Sa tagalog, tina-timeran kita. Pinagsasabay sabay ko kayo. Wag ka ng umiyak, pinapahiya mo lang sarili mo." nobela ni Anika sakanya. Tapos nagwalk out, eto namang si Luis nakatulala lang don.

Syempre bilang tunay na kaibigan, dadamayan namin siya. Mukhang marami nanamang pera si Luis ngayong week na to! Ganyan talaga kapag buhay player. Pustahan dito, pustahan doon. Wala nakasanayan na eh.

"Hayaan mo na tol. Hindi siya isang malaking kawalan. Ilaro mo lang yan, mawawala bigla yung sakit." suggestion naman ni Josh. Makapag advice tong lalakeng to, akala mo kung nakamove on na rin sa first girlfriend nya.

"Alam mo tol, ganito lang yan. Kumain ka nalang. Yun oh fishball. Murang mura pero masarap na. Singko mo lang sapat na. Hindi katulad ng mga babaeng yan, kahit ibigay mo pa ang milyones mo, kung talagang ambisyosa sila, sa huli ikaw din masasaktan. Kaya tara na dali gutom na ko." sabi ni Brix sa lutang na si Luis. Gutom nanaman ano pa nga ba?

Ang sakit sakit siguro non. Minahal mo ng buong buo, akala mo ikaw na, akala mo siya na, akala mo kayo na, pero hindi naman pala. Nagpakatanga ka lang pala. Parang nung mga panahong- ah wala. Wala joke lang. Mga panahon ni Heneral Luna.

"Tara na Luis, uwi na tayo. Alam kong mahirap magmove on pero tutulungan ka naman ni Baby LoL. Ngayon lang masakit, bukas wala na yan." sabi ko sabay hatak kay Luis para di na siya magmukhang tanga dun. Center of attention na kami dito, hiyang hiya na kagwapuhan ko. Baka may magalit.

📖

After the scence we made a while ago, napagisip-isipan kong magonline sa facebook. Tapos may nakalagay, K Ganda sent you a friend request. Sino naman tong K Ganda na to? Jejemon ang pangalan. Mastalk nga.

At dahil turtle net ngayon dahil sa PLDT, hindi ko makita yung profile picture nya! Puro likes lang nakikita ko, di ko rin naman mabuksan yung about. Pero sikat sya. Sa profile picture nya, may 886 likes.

"Nahiya naman yung sakin, 69 lang!" sabi ko na natatawa.

Pabayaan na nga lang. Confirm ko nalang. Sayang naman, sikat nagAdd sakin.
Nagmessage sakin si Josh kaya lumipat ako sa messenger. Ang dami ko palang unread messages. Puro group chat. Hindi halatang madaldal sila grabe, anim ba naman group chat naming magtotropa.

Tapos biglang may dumating. Hindi ko muna sana babasahin pero napindot ko.

"Hey. I'm sorry." sabi sa message. It's from K Ganda. Sino ba to? Bakit nagsosorry. Nako adik yata.

Di ko alam kung rereplyan ko, or iseSeen nalang. Kasi ano namang sasabihin ko dito? Hindi ko nga makita picture nya, jejemon pa name nya. Baka stalker ko pa!

"Hoy wag mo nga akong iseen! Putang ina. Do you know how hard it is for me to put down my pride?" wow ang tapang lang akong sabihan ng masama. Eh hindi nga kami magkakilala.

"Miss, close ba tayo? Sorry hindi kita kilala. Jejemon ang pangalan mo dito sa facebook. At hindi kita girlfriend para putang inahin mo." reply ko sakanya. Aba ganito na ba sa mundo ngayon? Bigla ka nalang sasabihan ng masama kahit wala kang ginagawa?

"Ano ba ulupong! Alam kong mabagal ang internet nyo ngayon! Tsaka alam mo ba yung K? Korine yon! Ako si K Ganda! Korine Ganda! Grabe parang wala tayong pinagsamahan!" si Korine lang pala. Kaya pala ayaw magbukas ng picture, baka kasi mabasag tong regalo ni mama na iPhone 6s ko.

"Bakit meron ba? Wala naman talaga ah. Oo na. You're forgiven. Bye." sagot ko. Ayokong pahabain ang usapan. Parang pagibig lang yan, kung ayaw mong masaktan, lumayo ka nalang.

"Ako na nga nagsosorry eh! Basta nagsorry na ako. Di ko naman sinasadyang sabihan ka ng motherfucker kanina. Pero motherfucker ka naman talaga! Eto ka! 🖕🏻 Goodnight!" inisnob ko siya at ang kanyang mga kadaldalan sa buhay. Kahit ilang beses pa nya akong murahin, ayoko parin siyang kausapin.

But deep inside of me, I wanna say goodnight too.

👓📚

Taming Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon