Chapter 2

17 1 0
                                        

TONY'S POV

After ng nangyari kahapon, napansin kong sobrang tahimik ni Korine ngayon. Although nantitrip parin sya sa iba naming classmates, parang pinipilit lang niyang maging masaya. Feeling ko tuloy sobrang sama nung sinabi ko.

"Korine. Uy Korine. Korine! Ah sorry?" approach ko sakanya para kahit papano mawala tong guilt na nararamdaman ko.

"Sorry? Wala ka namang kasalanan eh! Ganyan naman kayong mga lalake diba? You only love us when we're whole and when everything is perfect but when we're broken, ay shit tang ina nakalimutan ko na!" mahabang sagot nya sakin na may kasama pang turo.

"Ikaw kasi! Nakakainis ka! Nakakainis ka na!" tuloy nya tapos tinulak-tulak ako.

"That's why I'm saying sorry na nga diba? I'm sorry. I'm sorry sa kung anuman yung nasabi ko." seryosong sagot ko sakanya.

"Nakakainis ka! Nakakainis ka! Nakakainis ka! Nakakabwiset ka! Tang ina ka! Mamatay ka na ulupong ka! Nakakainis ka!" sigaw nya ulit sakin tapos umiiyak na.

Bakit siya umiiyak?! Big deal ba masyado yung sinabi ko kahapon? Paano ba to? Para namang bata! Urgh! Paano ko to patitigilin?!

"Bakit ka umiiyak?! Wag kang umiyak hindi ko alam magpatigil ng bata! Wala akong kapatid tumigil ka na! Urgh! What the hell!" hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya nasigawan ko siya.

Mas lalo tuloy lumala yung problema! Hindi naman kami ganito dati ah.

"Bakit ako umiiyak? Hindi ko rin alam! Hindi ko alam!" sabi nya sakin kaya napayakap nalang ako sakanya.

I don't know how to comfort girls. Lumaki ako sa lolo at lola ko. Walang tatay, walang kapatid. At hindi ko alam kung paano magalaga o magpatahan man lang ng bata!

"Bitaw! You motherfucker ugly asshole jerk! Merde! Stop hugging me! Layuan mo ako!" sabi nya tapos nagwalk out na.

Seriously, bakit ang bilis magbago ng mood ng mga babae? Bakit mas magaling pa siyang magsabi ng masasamang salita kesa sakin? Bakit ko siya niyakap kanina kung pwede ko naman siyang iwan basta basta?

"Oh tol ano yun? May girlfriend ka na pala di mo pa sinasabi sa amin. Tablado." Sabi ni Luis at bigla namang dumating sina Josh at Von.

"Girlfriend? Si Korine girlfriend ko?" sagot ko sakanya. "Bakit hindi ba?" singit ni Von.

"Baka nililigawan palang. Nako, hindi pa kayo pero LQ na agad? Tsk. Tsk." saad ni Josh kaya nakunot ko ang noo ko.

"She's not my girlfriend. Not even my type." matigas na sabi ko sabay walkout at pumunta sa may court.

I don't play. Pero may bola dito, batuhin ko kaya yung guard don? Wag na, kawawa naman ako. Baka magbounce sa tiyan nya, tapos babalik din sakin.

Pumunta ako dito sa court para magpahangin at magpalipas oras pero naaalala ko lang yung mga nangyari kanina. Yun lang naman sinabi ko kahapon, pero umiyak siya ngayon. Nagsabi pa ng line sa Ex with Benefits, eh ang layo nun sa sinabi ko kahapon.
Ang mga babae talaga! Araw-araw ata nireregla!

"Brix! Tara cutting tayo." tawag ko kay Brix, barkada ko rin.

"Bakit may problema ka? CS? Tara G." sagot niya na may napakalawak na ngiti.

Maglalaro kami. Basta sa CS ang pupuntahan, papayag agad. Lunch break naman kaya magha-half day nalang kami.

"May gusto ka na ulit kay Korine ano? Kayo na?" biglang sabi ni Brix.

"Pinagsasabi mo diyan? Korine kayo ng Korine eh mas matindi pa magtrashtalk sakin yun." iritang sagot ko sakanya.

"Tol, alam mo naman ang love diba? Hindi yan nakukuha sa itsura o sa kung ano ang sinasabi nya. Kahit hindi mo sabihin sa amin, gustong gusto mong naiirita siya." hugot ni Brix.

Akala mo naman kung may experience na sa love. Eh ang motto nga nya, 'Ang babae nilalaro, hindi minamahal. Ang LoL, minamahal hindi lang nilalaro.'

"Wag ka nga. May experience ka na ba?" pambabara ko sakanya. "Anong akala mo sakin? Syempre meron na!"

"Oh sino? Sino ng naging lovelife mo?" matapang na sagot ko.

"Si ano. Grabe kaibigan ba talaga kita? Bat di mo kilala! Si Ari!" proud na sagot nya sakin. "Ambisyoso! Sino si Ari?"

"Ariana Grande! Ukitnam talaga." dabog na sagot niya. Feeling naman tong Brix na to.

Tsss. Ariana Grande. Sino yon?! Sounds popular. Di ko na lang ipapahalata na di ko kilala yung sinasabi nya.

"Ewan ko sayo. Tara na nga!" sabi ko sabay takbo.

"Hoy tang ina mo Tony! Hintayin mo ko gunggong!" tawa nalang ako ng tawa sakanya. Para kasing balyena yan tuloy di makatakbo.

📖

Pagkatapos naming maglaro ni Brix, bumalik kami ng school. Pero dun lang sa may parking area, mahirap na masumbong sa principal.

Habang naglalaro ako ng Asphalt 8 sa iPad kong basag ang screen, biglang tumigil ang mundo ko. Dumaan kasi si Korine, syempre sinong hindi titigil ang mundo kung parang papatayin ka na ng mga mata nya.

"Uy Korine oh si Tony! Diba hinaha-asdfghjklzxcvbnm hehehe." sabi nung ewan ko kung anong pangalan nun, April ata or May. Tinakpan ni Korine yung bibig nya kaya di ko masyadong naintindihan yung sinabi nya.

Well, I don't care. I should not care. She's Korine. Just Korine.
No. Yes. I mean she's Korine and Korine is beautiful.

👓📚

Taming Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon