TONY'S POV
Nandito nanaman sa school. Masaya na sanang magaral kung walang mga bullies. Yung dadaan ka lang sa tapat nila, magtatakip agad sila ng ilong. Naliligo naman ako, ewan ko sa kanila, baka sira yung ilong nila.
Ako ang isa sa pinakamatalino dito sa school namin. At ang paborito ng mga bullies. May kaibigan din naman ako. Pero magkakaiba kami ng sections.
Oo nga pala, ako si Tony Munar. At pogi ako. Sabi ng mama ko. Pero malabo mga mata ko, nakaeyeglasses na ako. Kaya siguro napapangitan sila sakin dito sa school.
NERD. Syempre kapag nakaeyeglasses, yan ang tawag nila sayo. Tapos matalino pa. Tsk. Tsk. Wag ka, magaling akong mag gitara.
"Hoy Nerd! Pakopya nga nung assignment sa math! Pag di mo ko pinakopya sige ka!" natapos ang pakikipag usap ko sa sarili ko ng dahil sa babaeng yan.
Maganda na sana pero ang sama sama naman ng ugali! Actually, siya ang Top 2 sa classroom namin. Ako? Ako yung Top 1. Ewan ko kung paano naging Achiever to sa sobrang tamad niya.
"Ayoko eh. Sorry." napairap nalang ako, panira ng araw.
"Ayaw mo ba sakin? Choosy ka pa! Sa ganda kong to, ayaw mo?" maganda ba ang tawag mo sa ugaling ganyan?
"Ikaw maganda? Kaya mo ng gawin yan. Akala ko ba tatalunin mo ako sa pagiging Top 1? Hindi halatang matalino ka." umalis nalang ako sa upuan ko at pumunta sa tabi ng basurahan.
"Hoy Tony! Titignan ko lang naman mga solutions eh! Sige na please! Ililibre kita mamayang recess promise. Patingin lang!" sumunod siya sakin at hinila-hila yung notebook ko.
"Ano ba?! Diba sabi kong ayaw ko? Ayaw kong ibigay sayo itong notebook ko, ayaw kong mangopya ka ng answers ko, ayaw ko sayo!" tumayo ako at pupunta nalang ako ng cr kahit hindi ako naiihi.
"Tanga tanga, sasabihing ayaw nya, iiwan naman yung notebook. Nakipagaway pa sa ganda ko, letche." parinig ni Korine. Oo nga pala yung notebook ko. Kaya ayoko sa babaeng yun eh! Lahat makakalimutan ko.
Syempre bumalik ako sa pinanggalingan ko, inalis ang eyeglasses, nilabas ang killer smile at nagpacute kay Korine.
"O-oh? B-bat ganyan ka makatingin? Nagpapacute ka ba? Well, you're not cute so stop seducing me. Ulol para kang aso!" akala mo naman kung hindi nacute-an sakin.
"Nagstutter ka nga eh. Akin nga yang notebook ko!" nakakabadtrip talaga tong ulupong na to. "Oh yan notebook mo kainin mo! Damot damot! Bwiset!"
Pagkatapos naming magaway, saktong dumating naman ang teacher namin. Yung teacher naming may favoritism. At si Korine pa ang favorite. Porket siya ang Best in Science, tsss. Science lang siya, Math ako!
"Ok. What part of the brain is responsible for regulating our breathing rate?" tanong ng teacher samin. Ang sama na ng tingin ko sakanya, kasi obviously kahit may ibang nakakaalam ng sagot, si Korine parin naman tatawagin nya.
"Korine. What's the answer?" oh diba, Korine parin. Bwiset.
"Ano ma'am? Ah, ma'am sorry I don't know the answer." woah himala. It's my time to shine.
"Ma'am ako alam ko sagot!" presenta ko kay ma'am. "Ok Tony go."
"Ma'am, kwan. Medulla Oblongata." proud na sabi ko sa teacher naming albino.
"Good. Ah, Korine, you look pissed today? Bakit parang hindi ka makaconcentrate?" tanong ni Albino kay Korine na nakasimangot at pinapaikot ikot ang eyeglasses nya.
"Hoy Korine timang!" sigaw ko sakanya para di naman mapahiya yung teacher namin.
"Sinong timang ha? Ako timang? Ano bang problema mo sakin?! Kanina ka pa! Di mo na nga ako pinakopya ng assignment sasabihan mo pa ako ng timang? Gago ka pala eh!" mahabang litanya nya sakin. Trashtalker pa. Tignan lang natin kung hindi ka palabasin ni Albino.
"Korine! Watch your words. Labas! Pati ikaw Tony, lumabas kayong dalawa!" oh buti nga sayo.
"Mr. Munar? Sabi ko lumabas ka!" sigaw ni ma'am sakin. "Ako?! Bakit ako? Bakit ako ma'am? Wala naman akong ginagawa?"
"Just get out of my class!"
Nadamay pa ako! Pasalamat siya sinagot ko yung tanong nya!
Habang nasa labas kami ni Korine, pinagtitripan ko yung CCTV Camera sa may hagdanan. Ang ganda lang kumaway-kaway dito.
"What are you doing stupid ugly nerd, ignorante! Ngayon ka lang ba nakakita ng CCTV Camera? Don't you know na kitang kita ka jan ng principal natin? Could you please stop that, baka madamay pa ako sa katangahan mo eh." sabi sakin ni Korine na halatang iritang irita na.
Siya pa talaga may ganang mairita.
"Tsss. Ingay ingay." tipid na sagot ko sakanya. "I'm not being noisy! Ayoko lang magmukhang tanga dito kasi may kasama akong baliw!" sigaw nya sa kapogian ko.
"Ano bang paki mo? Hindi kita pinapakialaman kaya wag ka ring makialam!" sigaw ko rin sakanya kaya natahimik siya.
Nabadtrip ako kaya pumunta nalang ako sa may parapet. Tanaw na tanaw dito yung court. Tsaka yung canteen. "Uy canteen!" naisigaw ko yung nasa isip ko.
"Hoy! Anong canteen ka dyan? Walang pupunta ng canteen! Dito ka lang!" singit nanaman ni Korine. Pakialamaera talaga kahit kelan.
"Are you begging me to stay? With you? For you? I'd rather be punished than to be with a brat like you."
👓📚
