TONY'S POV
"Ha? Ano Tony? Anong sabi mo?" tanong niya sakin na parang nanloloko. Hinahabol niya ako ngayon kasi binilisan kong maglakad. Narinig na nga kasi ipapaulit pa. "Wala."
"Hindi may sinabi ka eh! Basta ikaw? Basta ako? Ako?" tanong niya ulit. Grabe ang kulit! "Yiiee!" dagdag pa niya.
"Oo! Basta ikaw! Basta ikaw ang kausap ko, nagiiba ako! Basta ikaw ang kasama ko, nababaliw ako! Basta ikaw ang nakikita ko, tumitigil ang mundo ko! Ano may tanong ka pa ba?" natigilan siya dun sa sinabi ko. Tuluyan ko na siyang iniwang nakatulala doon. Bahala siyang umuwi magisa.
Di ko na siya kargo. Mamatay na siya kung mamatay, problema na niya yon.
Napahugot tuloy ako kanina! Shit tumitigil ang mundo?! Wtf nakakabaliw ka talaga Korine! Ano na naman bang nakain ko at nagkakaganito ako. Hirap na hirap na nga akong umusad, pabalik-balik parin!
Oo na! Aaminin ko na! May past kami. Pero hindi naging kami! We're more than friends. Yun bang may Mutual Understanding. Pero basta! Next time ko na ikwento nakakabakla! Bumabalik lang lahat ng katangahan ko!
"Bata, magpagilid ka. Baka masagasaan ka diyan mahirap na." sabi nung traffic enforcer. Ewan ko kung ako yung pinagsasabihan niya kaya di ko nalang pinansin. Nanatili akong nakatayo sa harap ng pet shop. Kinakalikot ang cellphone, kunwari nagtetext pero ang totoo tinitignan ko lang yung lock screen ko.
*Peeeeep!*
"Shit!"
"Hoy! Nya aya kukwem idta! Nu agselpon ka metlang agpaigid ka! Dagitoy nga ubeng data la agperperwisyo araramiden yo! Nu kayat mo matay ibaga mon ta apan ka ipaatalanen! Okitnayo kitdi nga inanak!" sigaw sa akin nung driver ng van na muntik ng makabangga sakin.
Wala akong nagets ni isa sa sinabi niya kaya nagsorry nalang ako. Mukhang galit talaga kaya wala na akong nagawa kundi magsorry. Tsaka kasalanan ko rin naman kasi tatanga-tanga ako. Nagiisip ng kung ano-ano, tapos bigla bigla nalang aasa. Yan tuloy, muntik na akong mamatay na virgin.
"Tol, lunch break nyo naman siguro no? Nagcutting ako kahit madaming tests mamaya. Achievement! Hahahaha." napagdesisyonan kong tawagan nalang si Brix. Di naman siguro puro iyakan ang ginagawa sa recollection no? Next week pa kasi kami. Third section kasi ako, sina Brix sa first section.
Ganyan talaga, di lahat ng matatalino napupunta sa first section, yung iba nasa last section pa pero nagkaka honor pa rin. Patunay lang yan na hindi lahat ng first masaya at maganda.
"Hoy Brix! Sumagot ka nga, sayang yung load ko!"
"Hanu buh kuhmakaern ako eh! Bat ka kase nagload huwala kuh namang katext?!" kumakain pala! Inend ko na lang yung call baka masira pa happiness ko.
Happiness? Masaya nga ba ako? Siguro kasi at least nasabi ko kay Korine yung nangyayari sa akin kapag meron siya. Pero ngayon nakokonsensya pa ako kasi iniwan ko siyang nagiisa dun. Di pa naman sanay maglakad yun. Rich kid nga kase mga pre kaya kotse to the max menthol.
Papasok pa ba ako sa mall? Oo naman! Sayang pamasahe 'no! Baliw lang?
Gaya ng sabi ko kanina, kakain lang ako dito tsaka bibili ng ballpen. Tsaka donut na rin. Pasalubong ko sa lola ko para hindi masyadong makahalata na nagcutting ako.
"Ate yun pong Choco Honey Dipped na munchkins. 10 pieces po. Tapos isang Choco Candy Sprinkle tsaka dalawang Choco Butternut."
"Sir, dine in or take out?"
"Take out ate, lagi naman akong out sa buhay nya eh."
"Nako sir hahaha. 150 pesos po. I receive 200." sobra sobra yung binigay ko para may sukli. Pamasahe ko ulit. Ano akala nyo huhugot nanaman ako? Ano ba nakakapagod mga pre.
Nang makuha ko yung sukli, pumunta ako sa school supplies section. Muntik ko ng makalimutan yung ballpen. At sobrang tagal ko ng hinahanap yung stand ng Pilot.
"Ah kuya, asan po yung sa mga Pilot na ballpen? Kanina ko pa kasi hinahanap eh. Salamat po." tanong ko kay kuyang nakayellow na parang minion.
"Diyan sa tabi ng mga lapis sir. Wag mo kasing madaliing hanapin kung ayaw magpakita, kusang susulpot yan."
Peste pati kasi ballpen may hugot! Alangan namang hindi ko hanapin kung saan yung pwesto nun? Ano hihintayin kong lalapit sakin yung mga ballpen? Tanga lang, tanga lang?
Nahanap ko na yung bibilhin kong ballpen. Grabe pati ganito nagmamahal na rin! Choosy kasi ako sa mga gamit ko kaya syempre nakakagulat naman yung presyo nya. 36.50 lang noon, 36.75 na ngayon! Oo alam ko 25 cents lang ang agwat pero nagmahal parin!
And you can't change the fact na may nagbago na.
"Nahanap mo ba sir? Kung hindi pa rin-"
"Nahanap ko na kuya, magbabayad na nga ako eh. Wag ka ng humugot, napaghahalataang wala kang lovelife." pagtigil ko kay kuya minion. Kasi naman copy paste lang mga pinagsasabi niya.
"Bakit ikaw sir, may lovelife ka ba? Kung di ako nagkakamali, iniwan ka! Hahaha sige sir alis na ako."
Sakit nun ah! Oo wala akong lovelife! Oo iniwan ako! Pero at least gwapo pa rin ako! Bwisit na minion yun! Ayan uuwi nanaman akong nagiisip!
📖
"Oh Tony bakit ang aga mo ata ngayon?"
"Masama po pakiramdam ko mommy. Eto po oh donut nyo."
Palusot? Basic!
👓📚
