TONY'S POV
Hindi na nila sinubukang ikwento yung nangyari kanina. Alam naman nilang kapag nagsabi na ako ng masama, ayaw ko talaga.
Ayaw ko nga kasing ikwento! Kapag naaalala ko, natatawa lang ako. Di ko kasi maimagine itsura ko kanina, nakakahiya siguro.
Pero okay lang, alam ko namang gwapo ako kaya sure na sure, hindi ako kahiya-hiya.
Gusto kong maghalf day ngayon. Recollection kasi nila Brix, Von, at Josh. Ang hirap talaga kapag nawalay ng section. Kami ni Luis ang magkaklase. Tapos siya lang ang kaclose ko sa room. Tapos absent pa siya ngayon!
Paano na ako nito? Kung maghahalf day ako, wala na akong problema na magisa ko lang tatambay ng lunch break. Pero lahat ng subjects namin this afternoon may Summative Test! Ayoko namang mag Special Test, kasi maghahabol din ako sa new lessons.
What the hell! Ang laki ng problema ko mga pre!
"Uy Tony. Tony! Tony Munar! Putang ina bingi ka ba talaga?! Wala ka na ngang naitutulong dito sa group magbibingi-bingihan ka pa! Magaabot ka na nga lang ng glue di mo pa magawa! Leche ka talaga! Tabi diyan ako nalang kukuha! Hindi ka talaga gentleman! Hayjusko! Umagang umaga pinapainit mo ulo ko!" natural si Korine yun.
Masanay na kayo sa bibig nyan. Minsan Selena Gomez, madalas Nicki Minaj. Syempre kilala ko yang mga singer na yan. Kung di nyo naitatanong at di ko pa nasasabi, music lover din ako at magaling akong kumanta. Sadyang di ko lang talaga kilala si Ariana Grande noon kasi di ko trip yung sobrang taas niyang boses. Balik tayo sa reality.
"Oh eto na po ma'am. I'm sorry po if I'm not listening, because I'm thinking of something. Hope you don't mind ma'am, pero pwede nyo naman pong sabihin ng maayos." hinawakan ko muna yung glue para marealtalk ko siya.
"Eh baliw ka pala eh. Sorry din po sir. Kanina ko pa po kasi kayo tinatawag ng maayos pero hindi mo po ako pinapansin kaya I hope you don't mind too. Give me the glue and go away because your face is annoying, irritating, disturbing, disgusting, absolutely ugly! Fuck this life!" hinila niya yung glue kaya wala na akong nagawa. Tsaka ang hirap kasing sagutin yung description niya sa face ko.
"Sayang, ang ganda mo pa man din Korine." yun nalang naisagot ko bago ako umalis. Maganda nga, matalino, mayaman, trashtalker naman. Ang sama sama ng ugali. Wala ding silbi yung katalinuhan nya.
Lunch break na. Maghalf day na talaga ako. Bahala nang maghabol ng lessons. Kesa naman wala akong kasama dito sa school para akong tanga. Tinatrashtalk pa, nakakabakla!
"Kuya sa Mall po." maglunch lang ako sandali tsaka bibili ng ballpen tapos uuwi rin. Baka kasi mapagkamalan pa akong nagcutting. Ayokong maglaro ngayon, nakakawalang gana.
"Kuya wait! Wait pasabay! Mall din ako kuya. Ayan, thank you." kung minamalas ka nga naman talaga oh. Buti di nanaman tumigil ang mundo ko.
Oo kasabay ko si Korine! Hay nakakainis! Awkward mga pre.
"Asan na ba yung earphones ko. Hayjusko. Ayun! Ay shit. Ay sorry po ku- Tony? Ah, hehehe. H-hello." nahihiya niyang sabi. Aba dapat lang siyang mahiya. Matapos niya akong sabihan ng absolutely ugly? Sa gwapo kong to, ugly?! Hustisya naman!
Di ako sumagot sa kanya, silent treatment nalang. Pake ko ba sa babaeng yan?
Medyo malapit yung mall dito sa school. Mga 10 minutes ride lang siguro aabutin namin dito. Naiirita na kasi akong katabi siya. Pero mukhang isang oras ata kami dito sa daan. Ano ba yan!
"Nako ma'am, sir. May nagbungguan daw po sa may crossing, medyo matatagalan po tayo. Okay lang naman po diba?" biglang nagsalita yung driver ng tricycle.
"Okay lang po kuya, sanay naman po akong naghihintay, nasasaktan, umaasa, at iniiwan."
"Ang tapang mo namang magsabi niyan Tony! Pinaghintay, sinaktan, pinaasa, at iniwan ba kita?"
"Bakit may sinabi ba akong ikaw ang dahilan? Wag ka ngang assuming. Feeling ka masyado Korine."
Natahimik siya dun sa sinabi ko. Kawawang bata, pero ok yun. At least alam niya sa sarili niyang nasaktan niya ako. Sinaktan niya ako.
Umasa akong hindi niya ako iiwan sa ere pero wala, paasa siya.
"Kuya dito nalang po ako. Malapit naman na po lalakarin ko nalang. Bayad kuya salamat."
"What?! No Tony wait for me! Ako na magbabayad sayo. Don't leave me here alone. Ayoko pang mamatay. Kuya oh keep the change." singit ni Korine. Hinawakan niya kamay ko mga pre. Pakamatay na ba ako? Kadiri.
Naglakad na kami. Hawak pa rin niya kamay ko kaya mukha kaming magsyota. Kadiri mga pre! Sobrang laki na siguro ng butas ng ilong ko. Oo ganon ako kapag kinakabahan.
"Korine yung kamay mo pwedeng alisin?"
"Huh? Ay tang ina. Sorry Tony di ko sinasadya." bakit ba lahat ng sasabihin niya, may ibang meaning para sa akin. May impact eh. Buti nga di ko sinasagot ng kabaliwan. Baka iba nanaman masabi ko, umiyak ulit tapos susuntukin nanaman yung abs ko.
"Ok lang. Basta-"
Itutuloy ko pa ba yung sasabihin ko? Nakakanerbyos mga pre! Baka kasi magfeeling feeling ulit siya. Alam nyo naman yan. Bahala na nga!
"Uy. Basta ano?"
"Basta ikaw."
👓📚