KORINE'S POV
"OMG." mahinang sabi ko. Omg naman talaga mga bes! Grabeng hugot yun. Natamaan ako. Ano ka ngayon Korine! Waaah pakshet how will I reply to this! Baka sabihin niyang sobrang natamaan ako don or what!
"Left me hanging pa kasi! Ayan humugot na tuloy siya!" sabi ko sa sarili ko while thinking kung anong isasagot ko. Ugh shit nangingig na kamay ko sa sobrang kaba.
"Anong irereply ko! Juskolord masyado ko ba siyang nasaktan para pahirapan Nyo ako sa irereply ko!" my goodness! Ise-seen ko nalang? Anak ng putang ina!
"I thought you can wait for me." reply ko sa kanya.
Ayan, sige dahil humugot ka. Huhugot din ako! Magdrama na tayo dito Tony! Game na game ako!
"Why should I wait for you? Eh diba pinagtitripan mo lang naman ako?" aba ang bilis magreply ah! Halatang ako lang ang kausap. Very good pa rin yan para wala akong kaagaw sayo! Letcheng king ina!
Bakit ba hindi kami sa personal magtapunan ng hugot. Ayoko sa chat! Paano kung katabi niya pala mga tropa niya at sila ang kausap ko? Gunggong lang?!
"What if magusap tayo in person and not here sa messenger? Please?"
"Bukas. Let's meet at Dunkin Donut. Let's eat then ako na bahala kung saan tayo maguusap." like wtf? Agad-agad? Walang angal ayie yes!
"Magdadala ba ako ng protection or what? De joke lang. Joke lang Tony. Omg joke lang. Joke lang talaga promise. Shiz. Ok ok tomorrow 10 AM?"
"Yup. 10AM. My time is gold so goodnight." woooh pakingshet! Nag goodnight siya sa akin mga bes! King ina sa lahat ng mga king! Kinikilig ako!
"Thank you so much Tony. See yah. Goodnight." woohoo! The best! Kahit narealtalk ako dun, ok na ok lang! Kasi nag goodnight siya and omg! Let's hope for the best!
That made me feel still special for him. Hindi naman siguro siya maglalaan ng time and effort to meet and talk to me kung wala na siyang nararamdaman sa akin diba? Yes I can feel it! Meron parin! Mahal pa niya ako kaya mamahalin ko rin siya hangga't kaya ko.
Hindi na kita susukuan Tony. Hindi na kita pagtitripan. Hindi papaasahin at paglalaruan. I'll be a good girl now and forever. Para sayo magbabago ako and I'll do my best just to bring you back in my life.
📖
Now is the day na magkikita kami ni Tony. Pinaghandaan ko tong araw na to. Kagabi palang naplantsa na yung isusuot ko. I wore my yellow floral dress and red flat shoes. Red din yung bag ko para terno sila. I put my hair in a bun para magmukha pa rin akong dyosa sa simpleng outfit ko. 10AM ang napagusapan. 9:15 palang pero pupunta na ako.
Gusto ko ako naman ang mageffort na maghintay ngayon. Or pwede ring ayoko siyang maghintay kasi baka alas sais pa lang nandon na siya sa sobrang excitement. Oo ako na feeler.
"Oh K? Where are you going? Hindi ka yata nagpaalam ngayon ah?"
"Ay sorry mother dear. I'm going to meet with Tony and this is not a date but omg!" sabi ko kay mother with patalon-talon pa. She knows about him, everything about him and I have her support. Unlike my dad. Sobrang strikto and ayaw pa niya akong mainvolve sa relationship kaya ayun sobrang nagalit siya sa ginawa ko kay Tony.
"Goodluck my dear. Take care."
I bid my goodbye and headed to Tony omg! Di ko pa pala naikwento ito kay May! Sa June ko na lang ikwekwento sa kanya!
Nasaan ba ang dunkin donut dito? My goodness hindi ako sanay pumunta ng palengke. Ayan kasi katangahan. Nagpahatid na lang sana ako kay mang Tomas. Yung family driver namin.
"Asan ba kasi yang Dunkin Donut na yan? Tang ina naman oh. Ah kuya! Excuse me po? Saan po ang-"
"Don't talk to strangers." my hero! Si Tony omg mga bes! Hinila niya ako braso bago pa ako makapagtanong kay kuyang di ko kilala. Ooh, he's so sweet.
"Bakit? Concern ka sa akin?"
"Somehow. Kasi kasalanan ko pa kung marape o makidnap ka nung lalaking yun. Wag ka ng magtanong ha. Tara na dun. Doon ang Dunkin Donut oh. Bat di mo kasi dinala glasses mo?"
Hoo. Somehow ka pa jan. Aminin mo na lang kasi na nagaalala ka kasi mahal mo pa ako. Kinikilig ako bes.
"I don't want to look ugly in front of you so hindi ko sinuot. And thank you nga pala ah." I smiled at him and promise! I saw his face glowed! Hindi siya nagsmile pero namutla siya.
"A-ah okay uhm let's eat?" tumango ako tapos nagorder na kami.
Kumain kami ng of course donut. Bobo mga bes? Dalawang donut lang ang inorder niya pero ako six! Di naman siguro nakakataba ito ano? Nagbreakfast naman ako pero kasi I love donuts!
"Baboy ka ba?" tanong niya sa akin
"Uhm hindi or is that one of your chessy lines again?" tanong ko rin.
"Cheesy lines? Feeling ka talaga Korine. Ang dami mo kasing inorder tsaka nagkalat na sa bibig mo yang chocolate."
Omg! Nakakahiya!
👓📚